Ramon Romulo at Shalani Soledad, Namahagi ng Tulong sa mga Arayatenong Nangangailangan

DSC_0423 copy

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-23 ng Mayo 2015, pinaunlakan ang paanyaya at nilaan nina Pasig Representative Roman T. Romulo at Shalani Soledad, kasama ang mga kinatawan ni Sen. Grace Poe, ang kanilang oras sa pamamahagi ng tulong sa mga Arayatenong nangangailan at kaalaman sa mga kabataan.

Pinangunahan rin ito nina Mayor Bon at Vice Mayor Monching kasama sina BHW Chaiwoman Madeth Alejandrino, SB Dong Alejandrino, mga brgy. kapitan, Court Clerk Marissa Samson, MENRO Head Bong Parungao, Mrs. Ann Ocampo, brgy. health workers at mga kagawad. Ito’y ginanap sa Municipal Multi-Purpose Hall kung saan mahigit kumulang na dalawang daan ang dumalo. Ang programa ay may tema na “Bridging The Gap For A Good Governance” kung saan ipinaliwanag na maaring maging tulay ang bawat isa sa mga upang maging matagumpay at may pagkakaisa kahit na ano pa ang estado, kulay, at pagkakaiba. Isa na rito ay ang binigyan nila ng wheelchair. Naging tulay sila hindi lang dahil namahagi sila ng wheelchair kundi rin dahil tinulungan nila na makalakad at makaupo sa wheelchair, isang malaking bagay na maaring maitulong ng bawat isa, ang maging tulay. Namahagi rin sila ng mga gamot,t-shirt at relo. Isa rin sa mahalagang binanggit ni Rep. Romulo ay ang batas na dapat tandaan ng mga kabataan. Ito’y para sa mga estudyante na nagtapos ng may honor sa hayskul o iyong mga nakabilang sa top ten. Hindi na sila kailangan magentrance exam sa kahit anong unibersidad at libre ang kanilang unang taon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s