Pasukan na Naman, Kinabukasan ay Pahalagahan

editorial pix copy copy

by: Black Swan

Ibat-ibang uri ng kagamitan pang iskwela ang hawak ngayon ng mga kabataan. Lapis, ballpen, papel, libro; ilan lamang iyan sa mga makikita mo sa apat na sulok ng silid-aralan. Mga bagong kagamitan ang makikita sa mga estudyante at marahil ang iba ay ginaganahan sa unang araw ng pagpasok upang magamit at ipagyabang sa kaklase. Ito ay mga tipikal na kaganapan tuwing darating na ang pasukan. Mga bagong kaklase o seatmate na kalaunan ay magiging kaibigan, baong guro na makikilala at may bagong desk na masusulatan ng anu-ano. Masarap isipin na nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na matuto sa pamamagitan ng pag-aaral sa eskwelahan. Tinutulungan ng mga guro ang mga istudyante upang palawakin ang kaalaman sa mga bagay-bagay na makakatulong sa kanilang pag-unlad sa buhay.

Ngunit sa kabila ng masasayang karanasan ng mga bata sa loob ng silid aralan, kabaligtaran naman nito ang mga kalunos-lunos na batang hindi man lang makatungtong ng paaralan. Maraming dahilan, isa na dito ang kahirapan na kaakibat nito ang walang perang pantustos sa kanilang anak. Imbes na mag aral ay tinutulungan nalang ang kanilang mga magulang sa paghahanap buhay. Masakit mang isipin na marami sa atin ang kapos at hikahos sa buhay, may mga kabataan pa rin na nagsusumikap upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Mga batang may pangarap sa buhay na ang iniisip na tanging susi sa pag-unlad ay ang makapagtapos sa pagaaral. Mga bata na sa murang edad ay namulat sa kahirapan sa buhay. Kaya naman sa ating mga kabataan ngayon, kasabay ng bagong pasukan sa paaralan sabayan din natin ito ng pagsusumikap at pagkakaroon ng pangarap sa buhay upang ang kinabukasan ay maging maunlad sa hinaharap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s