“Edukasyun Para Kareng Kayanakan Ning Bayung Arayat”

DSC_0396 copy

by: Nikka Katrina Alejandrino

ARAYAT, PAMPANGA – Noong ika-25 ng Mayo 2015, alas-nuwebe ng umaga, isinagawa sa Multi-Purpose Hall ng Munisipalidad ng Arayat ang ikatlong pamamahagi ng financial assistance sa mga kabataan ng Arayat. Ito’y sa pangunguna ni Mayor Emmanuel “Bon” Alejandrino (Chairman ng Scholarship Committee) at Vice Mayor “Monching” Changcoco (Vice Chairman Scholarship Committee), Ms. Luz S. Tañedo (Chairwoman ng Screening at Evaluation Committee) at Jas Ramos, Nikka Katrina Alejandrino, Keith Martin Tanedo, Randy Tungol, Alyssa Toloza, Princes Emma-Marie Miranda, Jose Garcia at Ally Almario (Screening at Evaluation Committee Members).

Ang tema ng programa ay “Edukasyun Para Kareng Kayanakan Ning Bayung Arayat” na ang layunin ay upang mabigyan ng financial assistance ang mga mag-aaral na kulang sa pinansyal na aspeto ngunit mataas ang grado at karapat-dapat na mabigyan ng tulong.

Nagsimula ang programa sa panalangin na pinangunahan ni Vice Mayor Monching Changcoco at sinundan rin nito ang pagbibigay niya ng bating-pambungad, ang kanyang naging mensahe ay “Istung inuna ye ing hirap , 4 years yamu ita, kasunud na ginhawa. Pero istung ing sarap yang minuna, megbulakbul ka, kasunud na nita hirap.”

Nagbigay rin ng mensahe ang butihing Mayor Bon Alejandrino sa mga kabataan na dumalo sa naturang pagtitipon. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan dahil ito ang tanging pamana na maari nilang iwan o legacy na maaring maiwan nila sa mga kabataang nabigyan ng pagkakataon na makatanggap ng financial assistance. Binigyang-diin ng alkalde na kailangang unahin ng mga magaaral ang edukasyon dahil sila ang pag-asa ng bayan at hinahabilin niya na huwag munang mag-asawa sa halip ay ibaling ang atensyon sa pag-aaral.

Matapos ang mensahe ni Mayor Bon ay ipinamahagi na sa 211 na estudyante ang financial assistance na nagkakahalagang Php 5,000 sa mga unang 74 estudyante at Php 3,000 naman sa 137 na mga bagong estudyante na dumaan sa screening at evaluation noong ika-415 ng Mayor 2015. Pagkatapos ay ipinaliwanag sa mga bagong scholars ang terms, conditions at kontrata ng programa. Matapos maipamigay ang financial assistance ay nagkaroon ng picture-taking ang mga scholars kasama sina Mayor Bon, Vice Mayor Monching at ang Scholarship Committee

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s