Ang Pagpuputong ng Korona sa Banal na Pinagpalang Birhen Maria

DSC_0039 copy

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-31 ng Mayo 2015, Linggo, naganap ang pagpuputong ng korona sa Banal na Pinagpalang Birhen Maria na ginanap sa St. Catherine of Alexandria Parish Church. Bago nagsimula ang pagpuputong ng korona ay nagkaroon muna ng banal misa na pinangunahan ni Fr. Elmer Salonga. Ang misa ay tungkol sa Santisima Trinidad o ang Most Holy Trinity ( Ang Amang Tagapaglikha, Ang Anak na Tagapagligtas at Ang Espiritu Santo). Ito’y inihambing ni Fr. Elmer sa “unity” o ang pagkakaisa. Ayon kay Fr. Elmer, magkakaroon lang ng pagkakaisa kung matutunan lang na irespeto ang pagkatao ng bawat isa. At kung matutunan ang pagrespeto ay magkakaintindihan ang bawat isa at magkakaroon ng pagkakaisa.

Matapos ang banal na misa ay sinimulan na ang pagpuputong ng korona. Ang nabiyayaang magputong ng korona ay si Carmen Ramos ng Brgy. Paralaya. Matapos ang pagpuputong ay nagkaroon ng grand marian procession. Ito’y hindi lang selebrasyon kundi rin tradisyon na nakaugalian na. Ang nakaugalian nang pagbibigay pugay sa Banal na Birhen Maria sapagkat siya’y pinagpalang maging ina ng Tagapagligtas. At dahil isa rin siyang ehemplo at inspirasyon sa lahat ng mga kababaihan kung paano maging isang mabuting ina, kahit na hindi inaasahan, ng may buong pananampalataya, pagmamahal, kabutihan, katapangan at kagalakan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s