AD MAJOREM DEI GLORIAM (For the greater glory of God)

by: Aaron Pope H. Garcia

vffbfb

Ang Knights of the Blessed Sacrament ay isang grupo nang kalalakihan na may edad sampu pataas, na napili sa kalooban nang Poong Maykapal upang maglingkod sa simbahan nang buong puso, may dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod. Tinawag upang maging tagapagtangol sa Banal na Sakramento.

Ika- 11 ng Abril taong 2015, ganap na ika- 08 nang umaga, sa Parokya ni Santa Catalina de Alexandria, naganap ang tinatawag na Knighthood, Installation of officers, Reception, and Induction Ceremony ng mga miyembro ng Knights of the Blessed Sacrament. Sa pangunguna ni Reberendo Padre Joseph G. Hernandez, kura paroko, sinimulan ang unang parte kung tawagin ay “Knighthood Ceremony” kung saan itinaas sa pinakamataas na degree ang miyembrong pumasa sa pagsusulit at nakakumpleto sa kinakailangan upang sumailalim sa naturang seremonyas, siya ay tatawaging Sir Knight (pangalan) sa taong ito ay isa ang pinagkalooban upang maging Full pledged Knight siya ay si Sir Knight Aaron Pope H. Garcia Ikalawang bahagi ay ang Installation of Officers, ito ay piling miyembro na nasa tamang edad na may angking galing sa pagiging lider, may dedikasyon at may sapat na kaalaman sa organisasyon, pinasuot ang kapa sa bawat isa na bawat kulay ay may kahulugan at binigay ang insignia of office, tanda nang kanilang magiging tungkulin, Sir Knight Aaron Pope H. Garcia (Knight Commander), Bro. Joseph Gener M. Salac (Master of Neophyte) Bro. John Paul F. Angeles (Asst. Neophyte), Bro Jesterh M. Mallari (Master Scribe) Bro. Lorenzo S. Cruz (Asst. Scribe), Bro. Daniel Antonio S. Morales (Master Bursar), Bro. Mathew B. Ramos (Master Counselor) Bro. Franz Harold C. Fuertez, Bro. Jan Carlo R. Mesina (Co-Counselors), Bro. Christian Peter Larry M. Borja (Liaison Officer) Bro. Renz Jan G. Miranda (Asst. Liaison Officer), Bro. Jene Paulo S. Macasaquit (Eucharistic Officer), Bro. Joseph Lester Y. Banzali (Ad Extra Officer) Bro. Nikie P. Samson (LAD)

Ikatlong bahagi naman ay ang Reception Ceremony, ang seremonyas na ito ay ang pormal na pagtanggap bilang miyembro nang Knights of the Blessed Sacrament, sila ay tinatawag na Aspirants. Sa taong ito ay may tatlungpu’t walong bagong miyembro na sumailalim sa naturang seremonyas.

Ika-apat na bahagi ay ang Induction Ceremony kung saan ang mga miyembro na sumailalim noong nakalipas na taon ay muling sasailalim upang maitaas ang kanilang degree, ang mga neophyte ay magiging Apprentice, ang Apprentice – Page, Page – Esquire, Esquire to Knight. Sa taong ito ay may tatlumpu’t siyam na miyembro ang pumasa upang sumailalim sa naturang seremonyas. Sila ay pinasuotan nang polo at mission cross kung tawagin na kahalintulad nang krus ni Pope Francis, gayun din ang sumailalim sa Reception Cermony.

Mayroon ding Parent Officers ang KBS sila ay sina Sis. Lilian Palmaria (President), Sis. Lea Bituin (Vice President) Sis. Susan Arconada (Secretary) Bro. Florencio Yambao (Treasurer) Bro. Marivic Andres (ERO)

Bago pa man magsimula ang seremonyas, sa homily ni Among, sabi niya, “ They (KBS) are most active organization sa ating parokya, sila ang aking mga kasama sa tuwing ako ay may misa, umulan man o umaraw lagi sila ang kasama ko.” Tumagal nang humigit kumulang na dalawang oras ang misa at ang seremonyas.

Bago pa matapos ang misa sinambit ni Among Joseph, “Miras ta mu pung atlung oras, mapagal, pero eku pu makapagreklamu uling ila potang abe kula anggiang mapagal at mapali ela magreklamo.” Natapos ito sa pagbabasbas at pagbibigay nang mga awards at certificate na nagpapatunay na sila ay miyembro nang KBS.

Sa ngayon ay may pitumpu’t syam na aktibong miyembro ang Knights of the Blessed Sacrament, sa mga gustong maging miyembro ay maaring pumunta sa simbahan tuwing Sabado, ala-una nang hapon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s