Mabuhay Ang Mga Kababaihan!

by: Black Swan

Ang mga kababaihan ay may mahalagang papel sa ating lipunan, sa panahon ngayon saan mang larangan ng ating komunidad ay makikita ang kagalingan ng mga kababaihan. Kahit saan man mapunta nakikipag-sabayan ang mga babae, pinapatunayan lang nila sa lahat na sila ay karapat-dapat na igalang sa ating lipunan. Hindi nagpapatalo, hindi umuurong sa laban at higit sa lahat lumalaban sa hamon ng buhay.
At dahil doon marami sa ating kabaro ni Eba ang lumaban para sa karapatan ng mga kababaihan hanggang makanit ang pribelehiyo. Sa kasalukuyang panahon ipinagdiriwang ang buwan ng kababaihan (Women’s Month) sa buong buwan ng Marso hindi lang dito sa Pilipinas kundi na rin sa buong mundo. Ang Philippine Commission on Women (PCW) ay ang sandalan ng mga kababaihan kapag naabuso at naaapi. Pinoprotektahan ng nasabing organisasyon ang bawat indibidwal na babae upang makapag-umpisa ulit at maayos muli ang buhay.
Ang adbokasiya nito ay maging pantay-pantay ang pananaw pagdating sa kasarian na walang lumalamang na estado pagdating sa kapangyarihan. Masakit mang isipin na marami pa rin sa ating kababaihan ang naaabuso at minamaltrato na nawawalan na ng pag-asa sa buhay. NGUNIT marami sa atin ang bumabangon at taas noong hinaharap ang bukas.
Tandaan sa pagsilang mo palang ang iyong ina ang nagsasakripisyo upang makita mo ang kagandahan ng mundo ayon nga sa kasabihan “Ang isang paa ay nasa bingid ng kamatayan.” Kaya naman kailangang irespeto, igalang at mahalin nating ang unang babae sa ating buhay na walang iba kundi ang ating Ina at hindi lang iyon pati na rin ang lahat ng kababaihan sa buong mundo dahil mahalaga ang papel nila sa ating lipunan.
Nanay, kapatid, kamag-anak, kaibigan, kasintahan, guro, kaklase at sa lahat ng babae sa buong mundo…

“MABUHAY ANG MGA KABABAIHAN!”

GREETINGS FROM:
MARIA SINUKUAN NEWSPAPER

womens month

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s