Ishmael Saforteza ng Brgy. San Agustin Sur, Nagkampeon sa Singing Star Showdown sa Dubai

11050895_10202365261452500_1314167769_n

by: Jas Ramos

Tinanghal na kampeon si Ishmael “Bonz” Saforteza ng Brgy. San Agustin Sur sa ginanap na Singing Star Showdown sa DFP Stage, Al Rigga Dubai noong ika-29 ng Enero 2015. Ang kompetisyon na ito ay dinagsa ng daan-daang manonood kung saan 20 grand finalists ang sumabak sa patalbugan ng talento sa pagkanta. Kasama rin sa sumubaybay at sumuporta sa kanya ay kanyang “musically-inclined “ na pamilya na talagang ipinagmamalaki siya.

Ang hilig at talento niya sa pagkanta ay namana niya sa kanyang pamilya. “Bonz” (short for Bunso or youngest) ay isang baguhan pa lang sa Dubai kung saan siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang electro-mechanical na kompanya sa humigit-kumulang na isang taon. Siya ay dating isang band vocalist noong nag-aaral pa siya ng hayskul at acoustic vocalist noong kolehiyo kung saan siya kumakanta sa mga music bars.

Kung pakikinggan mo, maihahanay ang kanyang boses sa RnB-Soul/Ballad na genre kaya napili niyang binirit ng buong puso noong grand finals ang Gary Valenciano’s Take Me Out of the Dark na nagpanalo sa kanya. “Love for your own craft and hardwork”, importante ang mga iyon upang magtagumpay sa iyong mga pangarap. Ito’y simula pa lang para kay Bonz sa unti-unting pagtupad sa kanyang mga pangarap at malayo pa ang mararating niya bilang isang singer. Siya ay tunay na maipagmamalaki hindi lang ng kanyang pamilya kundi rin ng kanyang bayan.

11050909_10202365267972663_1156674713_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s