Ireney Saforteza ng Brgy. San Agustin Sur, Nagkampeon sa “Kanta Mo, Upload Ko!” Singing Contest sa Dubai

by:  Jas Ramos

Nagwagi ang dalawang magkapatid na Arayateño sa naganap “Kanta Mo, Upload ko”singing contest sa Dubai. Tinanghal na kampeon si Ireney “Renzo” Saforteza at ang kanyang nakababatang kapatid naman na si Ishmael “Bonz” Saforteza ay nanalo ng 1st Runner-up. Ayon sa isang panayam kay Renzo, dati ay hindi naging madali sa kanya ang pagsali sa mga iba’t-ibang singing contest, tulad ng Pinoy Pop Superstar at Star In A Million, dito sa Pilipinas. Ngunit ng nag-ibang bansa siya, tila ba nag-iba rin ang kanyang swerte. Noong 2009, sumali siya sa isang patimpalak sa kanilang kompanya na Landmark Idol Competition sa Doha,Qatar. Pinalad siya at nagwagi ng 1st runner-up. At doon ay nagsimulang umangat ang tiwala niya sa kanyang sarili at kakayahan bilang isang singer.

Noong lumipat siya sa Dubai, pinagpatuloy niya ang kanyang pagtupad sa kanyang pangarap, kasama ang kanyang kapatid na babae, naghanap sila ng masasalihan na singing contest sa United Arab Emirates (UAE), at doon ay natagpuan nila ang Jukebox Karaoke Idol singing contest sa Mizmo Bar sa Avenue Hotel. At noong finals na ay nakita nila kung gaano kagagaling ang kanilang mga kalaban kaya naman ng matapos na silang kumanta ay umuwi na sila. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, tumawag ang event organizer at sinabi sa kanya na siya ang nanalo sa patimpalak. At doon na rin nagsimula ang pagsali niya sa mga patimpalak sa UAE. Ayon sa kanya, mahigit kumulang na 20 singing contests na ang nasalihan niya.

Hindi siya nagdalawang-isip na sumali ng malaman niya ang Kabayan Weekly’s “Kanta Mo, Upload Ko!” singing contest. Sumali siya at pinalad siyang makapasok ngunit isa rin sa nakapasok sa patimpalak ay ang kanyang kapatid. Kaya naman lalong naging dikdikan ang laban ng makarating sila ng grand finals na ginanap sa Lamcy Plaza Oud Metha, Dubai. Pero hindi ito naging mahirap sa kanilang dalawa dahil sinusuportahan nila ang isa’t-isa. Hanggang tanghalin na siyang kampeon at ang kanyang kapatid na 1st runner-up. Pareho silang nagwagi hindi lang sa patimpalak pati rin sa kanilang pamilya, kaibigan at bayan dahil naipakita nila na tunay na maipagmamalaki, kahit sa ibang bansa, ang kanilang talento, ang talentong Arayateno.

Saforteza-brothers-hailed2-660x330

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s