Fire Prevention Month

by: Lili Pad

Ang Marso ay ang “Fire Prevention Month” sa kadahilanang ang buwang ito ay ang hudyat ng pagsisimula ng tag-init o summer.

Dahil sa init na dala ng panahon, hindi maiiwasang magkaroon ng mga power shortages na kadalasang nagiging dahilan ng sunog.

Kaya naman isang Fire Drill ang isinagawa ng Bureau of Fire Protection (Arayat Station) na sinimulan noong March 4, 2015. Bawat araw ay may tatlo o apat na barangay na may sampung miyembro mula sa sarili nilang Peace Keeping team (7 lalaki at 3 babae) ang kasali. Ang layunin ng pagbuo ng fire brigade na ito ay upang magkaroon ng fire awareness ang mga tao ng bawat barangay. Upang kung sakaling magkaroon ng sunog sa kanilang barangay ay may kaalaman sila kung paano ang proseso ng pagpatay nito mula sa pag-release ng hose, hanggang sa mismong pagbuga na ng tubig sa tulong ng mga fire trucks.

Isa din sa dahilan ng pagbuo nito ay ang paparating na Municipal Fire Olympics sa March 13, 2015 na gaganapin sa munisipalidad ng Arayat sa ganap na ika-sampu ng umaga. Bawat bayan ng Pampanga ay nagsasagawa din ng mga Fire Drills sa kani-kanilang munisipalidad upang makilahok naman sa Central Luzon Fire Olympics sa darating na March 24, 2015 sa Clarkfield, Pampanga.

Sa pamumuno ni Insp. Nercita B. Delos Santos, ang Fire Drill na naganap ay naging matagumpay. Pinangunahan naman ni FO2 Joel J. Basilio ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga kalahok, kasama sina FO2 Albert Q. Totaan at FO1 Choy P. Velasquez.

DSC_0562

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s