Eat Bulaga Juan For All, All For Juan, Pinasaya ang mga Arayateño sa Brgy. Cacutud

by: Jas Ramos

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-10 ng Pebrero 2015, pinasaya nina Jose, Paolo at Wally ang mga Arayateno sa naganap na Eat Bulaga Juan For All, All For Juan sa Barangay Mangga Cacutud. Ito na ang pangalawang beses na dumating ang Eat Bulaga sa Arayat ngunit hindi parin magkamayaw at mas lalo pang ng mga tao mapa taga Cacutud man o dayo sa ibang barangay. Kumukuha sila ng pagkakataon upang makalapit at makapagpapicture pero dahil sa higpit ay hindi man lang nakapanood ng live ang iba. Ang iba naman ay ay gusto lang sumali at mapanood ang kanilang sarili o di kaya’y ang kanilang kamaganak sa telebisyon.

Nagsimula ang programa sa isang segment sa Juan For All, All For Juan na kung tawagin nila ay “problem solving” kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga Arayateno sa Brgy. Cacutud upang idaing ang kanilang problema na sasagutin ng mga hosts ng programa. Ilan sa mga nabanggit na problema nila ay ang problema sa mga nag-uutang, tigyawat, mga manok at bibe inaagawan ng pagkain ang alagang tuta. At ito’y sinagot naman nina Jose, Paolo at Bossing Vic sa isang matino at kapaki-pakinabang na sagot kung saan wala silang natutuhan.

Ang maswerteng napiling nabiyayan ng papremyo ay si Junior Montoya, labingwalong taong gulang, may asawa at isang anak. Siya ay pangatlo sa walong magkakapatid kung saan huminto siya ng pag-aaral dahil walang pera. Kasalukuyan, wala siyang trabaho namimitas lang siya ng sampalok upang ibenta. At nagpatuloy lang sila sa pakikipanayam kay Junior. Nabanggit rin niya ang kanyang bayaw na nahulog sa kapipitas ng sampalok kaya ng mabiyayaan siya ng malaking halagang premyo ay napasigaw siya at si Paolo at sinabing gagamitin niya ang pera upang tulungin ang bayaw niyang nahulog, ang kanyang tatay at gagamitin upang makapagnegosyo para sa kanyang pamilya. Napatawa at napasaya ng mga dabarkads ang mga Arayateno dahil sa limpak-limpak na papremyo at saya na naibahagi sa kanila.

DSC_0302

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s