Araw Ng Mga Puso

by: Black Swan
Taon – taon sa ika – 14 ng Pebrero ating ipinagdiriwang ang “Valentine’s Day” o kung tawagin natin dito sa Pilipinas ay “Araw ng mga Puso”. Tayo ay naghahanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo, bulaklak, love letters, cards at marami pang iba. Kanya-kanya tayo ng paraan upang maipakita ang ating pagmamahal sa ating mahal sa buhay.

Makikita ang kasayahan at kagalakan sa ating mga ngiti kapag nakakatanggap tayo ng regalo galing sa ating minamahal. Espesyal ang araw na ito lalo na para sa mga magkasintahan dahil dito nila naipapakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa.

Ngunit, subalit, datapwat, hindi lamang ito nangangahulugan na para lamang ito sa magkasintahan bagkus para sa ating lahat ang araw na ito. Maraming paraan kung papaano natin maipapakita ang pagmamahal sa kapwa katulad na lamang ng pagbibigay ng pagkain sa mga bata sa lansangan, pag-volunteer sa mga organisasyon upang makatulong at taos-pusong bigyan ng tulong pinansyal ang mga nangangailangan.

Ilan lamang ito sa mga kaya mong ibahagi upang makapagpasaya ng tao. Ang araw ng mga puso ay nagpapa-alala lamang na tayo ay may kalayaang magmahal, mahalin at magbigay saya sa mga taong nakapaligid sa atin. May karapatan tayong mamili ng minamahal, maipaparamdam natin na hindi tayo nag-iisa at may karamay tayo sa lahat ng bagay at sa mga pagsubok na darating sa ating buhay.

Ang araw na ito ay nagpapaalala na tayong lahat ay magmahalan at makaisa tungo sa maunlad na buhay!

6cd512acf09b3c20_hugging.jpg.xxxlarge

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s