Gov. Lilia Pineda, Pinangunahan ang Pagbubukas ng mga Bagong Pasilidad sa Munisipyo

by: Jas Ramos

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-20 ng Enero 2015, pinangunahan niGov. Lilia “Nanay” Pineda kasama sina Mayor Emmanuel “Bon”Alejandrino, Vice Mayor Ramon “Monching” Changcoco at Rev.Fr. Joseph Hernandez ang opisyal na pagbubukas at blessingng mga bagong pasilidad at gusali na nagkakahalagang P26.3million. Isa na rito ang municipall hall na nagkakahalagang P10 million at ang bagong gusali ng PNP Arayat na nagkakahalagang P2.7 million na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan.

Ang bagong crawler excavator o ang backhoe ay nagkakahalagang P5.9 million na pinondohan rin ng Capitol. Habang ang bagong gawang multi-purpose hall na nagkakahalagang P6 million at ang birthing station na nagkakahalagang P1.7 million ay galing sa 20% development fund ng munisipyo. Malaki ang pagpapasalamat ni Mayor Bon kay Gov.Pineda dahil sa pamamahagi niya ng tig-isang sasakyan bawat barangay na naging kapaki-pakinabang sa paglilingkod sa kapwa Arayateño. Ayon sa talumpati ni Gov. Pineda, “like in the province, I am happy that all the elected officials here in Arayat are one and united with the common aspiration of bringing reforms and changes to the municipality which will redound to the economic upliftment of the people.”

Ayon kay Mayor Bon, bilang alkalde ng bayan, ang pag-unlad ngayon ng bayan ay hindi matatamasa kundi rin sa tulong ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ramon Changcoco at ng lahat ng Arayateño. Nagpapasalamat rin siya sa walang sawang pagtulong ni Gov. Pineda para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Arayat at kaya nasabi niya “kayo ang isa sa pinakamabait, pinakamagandang gobernador sa paningin naming mga taga-Arayat”. Tinugunan naman nito ni Gov. Pineda sa inaprobahang kahilingan ni Mayor Bon, ang pagpapatayo ng evacuation center sa likod ng munisipyo na nagkakahalagang P2 million.

DSC_0280

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s