Daan-daang Deboto at mga Kabataan, Dinagsa ang Pista ng Sto.Nino

by: Jas Ramos

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-25 ng Enero 2015, napuno na naman ang simbahan ni Apung Tali sa naganap na pista ng Sto.Nino kung saan daan-daang mga deboto at mga kabataan ang nakipagdiwang. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang banal na misa na pinangunahan ni Rev.Fr.Joseph Hernandez. Ito ay ang araw ng mga bata at mga pusong bata. Sabi nga ni Among Joseph sa kanyang homily, sino nga ba ang ayaw matawagan na mukhang bata? Dahil ang mga bata ay may mga kanais-nais na katangian at isa na rito ay ang acronym na B.A.T.A. na may ibig-sabihin na Buo Ang Tiwala sa Ama. Kahit na tumanda at maging tatay, nanay, lolo o lola ay anak parin tayong lahat ng Amang Maypakal. Nagbigay si Among ng isang halimbawa tungkol sa pagtitiwala sa ama. May isang bata, hindi siya makalabas sa nasusunog nilang bahay. Nasa ikalawang palapag siya at dahil sa kapal ng usok ay wala siyang makita. Tinawagan siya ng kanyang ama na nasa labas ng bahay at sinabing tumalon daw siya sa harapan. Ngunit ang sabi naman ng bata ay paano daw siya tatalon kung hindi naman niya nakikita ang kanyang tatay. Kaya ang sabi ng tatay niya sa kanya ay basta’t magtiwala lang daw siya sa kanya dahil nakikita niya nga ang kanyang anak at hindi niya ito pababayaan. At nagtiwala ang bata sa kanyang ama, tumalon siya at nakita niya ang kanyang ama at nailigtas siya kapahamakan.

Ito’y maihahambing sa paniniwala natin sa Diyos na kahit hindi natin Siya nakikita ay dapat magtiwala lang tayo sa Kanya dahil nakikita Niya tayo, alam niya kung ano man ang pinagdadaanan ng bawat isa sa atin. Pagkapatos ng misa ay nagkaroon ng blessing ang lahat ng Sto.Nino na dala-dala ng mga tao. Nag-unahan sa harap ang mga tao upang mabasbasan lang ang kanilang Sto.Nino. At dahil sa dami ng mga dumalo, ang iba ay hindi naabutan kaya naman minabuti ni Among na daanan at basbasan ang mga ito hanggang umabot sa labas ng simbahan. Para bang artista si Among na pinagkakaguluhan upang makalapit at mabasbasan lang. Siksikan man ngunit naging masaya naman ang lahat na para bang batang nabigyan ng kendi. At dahil araw ng mga kabataan ay namahagi sila ng mga kendi at tsokolate. Pagkatapos mabasbas ang mga Sto.Nino ay nagkaroon naman ng prusisyon ang mga ito.

DSC_0020COPY

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s