Proudly Arayateño: Nelson Nucum a.k.a. “Kwek-Kwek”

by: Jas A. Ramos

Nagtitinda ka man ng palamig o kaya ng bananaque at kamoteque, maging labandera ka man o karpentero, walang maliit na trabaho kung ikaw ay masaya sa ginagawa mo at hindi mo dapat ikahiya ang trabaho mo kung ito naman nakabubuti at nakatutulong sa pamilya.  Ang patunay nito ay ang mahigit kumulang na tatlumpung taon (30 years) ng nagpifishball na si Nelson Nucum na mas kilala bilang si “Kwek-kwek”.

Bago pa nagsimula si Kwek-kwek sa pagpifishball ay pinasok niya muna ang pagkokonstruksyon at pagkakarpentero. Nakilala niya si Regina Nucum na asawa niya. Hindi nagtagal ay nagkaanak sila at doon ay napagisipan niya na magsimula sa pagpifishball sa taong 1985.

Ayon sa kanya, hindi naman naging ganoon kahirap ang buhay sa pagpifishball dahil may katuwang siya at ang nagpasakit lang sa kanya ay ang kanyang bisyo na paninigarilyo pero ito naman ay kaagad niyang naalis para sa kanyang pamilya. Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Nelson Jr. at Mark John na napagtapos niya ng kolehiyo sa St.Nicholas College of Business at Technology sa kursong Computer Science at Computer Technology.  At ito ay dahil sa kanyang pagpifishball. Ipinagmamalaki pa niya na natutulungan niya ang kanyang ibang kamag-anak dahil sa kanyang pagpisfishball.

Isang tagumpay na masasabi ang fishball business ni Kwek-kwek dahil natugunan niya na ang responsibilidad niya bilang magulang, ang mapagtapos sa pag-aaral ng kolehiyo ang kanyang mga anak, ay masaya pa siya sa kanyang trabaho.

Ano nga ba ang sikreto niya sa kanyang tagumpay? Ayon sa kanya, ito ay ang wastong pag-uugali sa trabaho. Kailangan palagi kang nagpapasalamat sa mga bumibili. Maging tapat sa trabaho. Kailangang magkaroon ka ng tiwala sa Poong Maykapal at higit sa lahat ay dapat masaya ka sa ginawa mo.

Bakit ba hanggang ngayon ay nagpifishball siya? Hindi ba niya naisipan na maghanap ng ibang trabaho? Isa lang ang sagot diyan at ito ay ang kanyang inspirasyon, ang kanyang pamilya. Naisipan niya na maghanap ng ibang trabaho ngunit napagtanto niya na bakit pa siya maghahanap ng ibang trabaho kung masaya naman siya sa ginawa niya.  At dahil sa pagsusumikap ay lumago ang kanyang fishball business at nakapundar siya ng dalawang bagong fishball cart.

At para sa mga katulad niya na nagsusumikap, ang mabibigay na payo niya ay magsumikap lamang sa adhikain at ikaw ay magtatagumpay. Meron nga siyang isang kasabihan o motto na nakatatak sa kanyang isipan na tumutulong upang mas maging matatag siya. Ito ay “lahat ay magagawa ko sa pamamagitan ni Kristo dahil siya ang nagpapalakad sa akin”.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s