Dinagyang Festival

by: Lili Pad

Ang Dinagyang ay ipinagdiriwang sa tuwing ika-apat na linggo ng buwan ng Enero taun-taon sa Iloilo city. Tulad ng Ati-Atihan at Sinulog, ito ay idinaraos sa karangalan ng batang Jesus, ang Sto. Niño.

    Mula  ito sa salitang Dagyang na salitang Ilonggo at nangangahulugang magpasaya. Dati, ang Dinagyang ay tinatawag ding  Ati-Atihan kagaya ng pista ng Kalibo. Una  itong nakilala bilang Dinagyang nang ito’y tinawag ng isang Ilonggong manunulat at brodkaster sa radio, na si Pacifico Sudario  noong 1977 upang ito ay maibukod sa Ati-Atihan ng iba’t-ibang parte ng bansa.

    Sa tuwing sasapit ang pistang ito, muling nabubuhay ang mga kalsada ng Iloilo. Ito ay dahil sa makulay na paradang sinasabayan ng mga mananayaw na pinipinturahan ang kanilang mga katawan ng kulay itim suot ang mga makukulay na kasuotan. Sumasabay sila sa tunog ng tambol at isinisigaw ang “Viva Señor Sto. Niño” at ang “Hala Bira” na sikat na pahayag na gamit ng mga Ilonggo upang ipakita ang kanilang mainit na partisipasyon tuwing Dinagyang.

    Maaaring hindi ito kasing sinauna ng Ati-Atihan ng Kalibo sa probinsya ng Aklan, ngunit ito ay talaga namang may kahanga-hangang mga galaw ng koreograpiya at may nakamamanghang mga kasuotan na sumasalamin sa kahusayan ng mga Ilonggo sa paggawa o paglikha ng mga sining.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s