Ang Mga Kinaugalian Tuwing Sasapit Ang Chinese New Year

by: Black Swan

Mga Paputok o Fireworks

    Ang tradisyong ito ay inilulunsad pagkatapos mismo ng 12:00pm na ayon sa mga Tsino ito ay pampaalis ng malas at mga masasamang elemento o espiritu. At naniniwala rin ang mga ito na kung sino man ang unang tao na nagpasimula ng fireworks ay magkakamit ng swerte o good luck sa buong taon.

Shou Sui

    “Shou Sui” na ang ibig sabihin ay pagkatapos ng medya noche, ang buong pamilya ay kailangang nakagising magdamag dahil ayon sa kwento at paniniwala ng mga Tsino may halimaw na lumalabas tuwing sasapit  ang new year’s eve at ito ay mananakit ng tao, hayop at mga ari-arian na tinatawag  nilang “Year”. Kalaunan natuklasan ng mga ito na takot ang halimaw sa kulay pula, apoy at malakas na tunog, bawat taon kanilang ginagawa ang pagsusuot ng pulang damit, pagsisindi ng apoy at pagpapaputok  upang sa ganoon ay maitaboy nila ito.

Pulang sobre o Red Packet

    Ito ay isang maliit na pulang sobre na may pera sa loob. Karaniwang ibinibigay ng mga matatanda sa mga bata ito sa araw ng bagong taon na ayon sa kanilang paniniwala ang pera na nasa loob ng sobre ay pumipigil sa mga masamang elemento at espiritu sa mga bata upang magkaroon ng magandang kalusugan ang mga ito sa buong taon.

Paglilinis

    Kaugalian ng mga Tsino na maglinis ng buong bahay at itapon ang mga lumang gamit bago sumapit ang bagong taon. Sa paniniwalang kapag sinalubong ng malinis at bago ang mga gamit, ang swerte ay malayang papasok sa bahay.

Dekorasyon sa bahay

    Pagkatapos ng paglilinis nilalagyan ng mga chino ang kanilang bahay ng mga dekorasyon upang salubungin ang bagong taon. Pula ang karaniwang kulay na ginagamit nila at nilalagyan ng disenyo tulad ng upside down fu, dui lian, lantern, year paint, papercutting, door god, at iba pa.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s