PISTA NG ITIM NA NAZARENO

 P I S T A     N G     I T I M    N A     N A Z A R E N O

by: Lili Pad

 Ang itim na Nazareno, na kilala ng mga deboto sa Espanyol bilang Nuestro Padre Jesus Nazareno ay isang life-sized na iskultura ni Hesukristo na binubuhat ang krus na gawa sa itim na kahoy, habang kinakatawan ang kaniyang simbuyo at paghihirap, at pinaniniwalaang mapaghimala ng mga Pilipinong Katoliko. Ayon sa mga istorya, isang hindi pa nakikilalang Mexicanong karpintero ang umukit ng Itim na Nazareno at dinala dito sa Pilipinas noong Mayo 31, 1606 gamit ang galyong barko mula sa Acapulco, Mexico. Bago pa raw ito dalhin sa ating bansa ay puti pa ang kahoy nito. Ngunit sa paglalakbay nito ay nasunog ang barko kaya naging sunog ang kulay nito. Pinaniniwalaang mapaghimala ang Itim na Nazareno dahil kahit na nasunog ang kulay nito ay buo pa din ang katawang kahoy nito. Dalawa ang rebulto ng Itim na Nazareno ang nadala sa Pilipinas. Ang pinakauna at pinakasikat ay itinago sa Simbahan ng Santo Nicholas de Tolentino sa Bagumbayan at inilipat sa Intramuros noong sinira ang luamng gusali. Ito ay naging parte ng Araw ng Palaspas kung saan sinira ang rebulto sa Labanan sa Maynila noong Pebrero 1945. Ang isang rebulto naman ay binigay sa Recollect Priest sa Simbahan ng Quiapo na napagkamalan na ito ang rebulto na mula sa Intramuros. At dahil sa kagustuhang maprotektahan ang orihinal na rebulto ay nagpagawa ang mga pari ng naturang simbahan ng replica ngunit ang orihinal na ulo at kamay ay inilagay sa replica para mas maipakita sa mga tao na totoo talaga na mahiwaga ang Itim na Nazareno. Ang pista ng Poong Nazareno ay idinaraos tuwing ika-siyam ng Enero taun-taon. Noong nakaraang linggo sa parehong petsa, dinagsa ng mga deboto ang pista. Umabot ng mahigit 12 million ang pumunta upang magkaroon ng pagkakataong kahit man lang mahawakan o maipunas nila ang kanilang mga panyo sa paniniwalang magdudulot ito ng lunas sa kanilang mga karamdaman. May iba naman na sumali bilang tanda ng kanilang pasasalamat sa naranasang himala.

    Sa ganap na 6:10 ng umaga ay nagsimula ang misa para sa poon. Sa paglipat pa lamang ng poon sa  landas nito ay nagkagulo na ang mga tao sa kagustuhang mahawakan ito. Tumagal ng labing-walong oras ang Translacion ng Nazareno. Tulad ng inaasahan, marami pa rin ang mga nahilo, nahimatay at nasugatan sa pakikipagsiksikan sa prusisyon. Pinalitan din ni Pangulong Noynoy Aquino ang ruta ng Translacion ng Itim na Nazareno ngayong taon sa pangambang mag-collapse ang ginagawang tulay na dati nitong nadadaanan sa dami ng mga deboto. Napakarami ng dumalo sa pista ngayon, mas higit pa noong mga nakaraang taon. May iilang kabataan ang nabalitaang dumalo para sa kanilang mga pansariling panalangin, may mga first-timers at sinabing nais lamang nilang ma-experience ang pagpunta at makisiksik sa pista ng Itim na Nazareno. Marahil sa dami din ng mga delubyong naranasan ng Pilipinas at nating mga Pilipino noong nagdaang 2013, ay lalong tumindi ang pananampalataya ng ating mga kababayan. Kahit anong oras kasi mapa maayos ang ating pamumuhay o oras man ng sakuna, lagi namang nariyan ang ating Panginoon upang dinggin ang ating mga panalangin. Siya ang lagi nating masasandalan, mahihingan ng tulong at higit sa lahat hindi ka iiwan kapag kailangan mo siya. Iba- iba naman ang paraan ng pagpapakita ng pananampalataya. Hindi iyan naibabase sa dalas o dalang ng pagbisita sa simbahan, nasa tatag iyan ng pagtitiwala sa Panginoon.

Trivia Tungkol sa Itim na Nazareno
•    May mga nagsasabing may ilang Chinese women parishioners ang nagdo-donate ng kanilang buhok para maging materyales ng peluka ng Black Nazarene
•    Ang Itim na Nazareno raw ay pinaliliguan araw-araw. Ang buhok at katawan nito ay nahuhugasan at ina-annoint gamit ang rose oil.
•    Ang imahe ng Black Nazarene ay sinasabing milagrong nakaligtas sa ilang disaster gaya ng sunog at lindol
•    Noong panahon ng World War II, ayon sa mga deboto, hindi nasira ang imahe kahit na sinunog ang simbahan ng Quiapo sa “battle for the liberation of Manila”
•    Kada buwan, ang damit (wardrobe) ng Itim na Nazareno ay sinasagot ng mga deboto. Mapapansin na kada buwan ay bago ang damit nito. Dahil sa dami ng nagdo-donate ng wardrobe para sa Poon, ito ay hindi nagsusuot ng parehong damit sa loob ng dalawang taon.
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s