MS Teknolohiya : MGA PINAKAPATOK NA GADGET NGAYONG 2014

MGA  PINAKAPATOK  NA  GADGET  NGAYONG  2014

by: Black Swan

Apple iWatch
Ang isa sa mga bagong ipinagmamalaki ng Apple, ito ay ang Apple iWatch. Ito ay yari sa isang relo na sinusuot natin ngunit ang kaibahan lang nito ay ito ay magsisilbing dagdag na gamit  sa mga iPhones at ibang pang IOS tulad ng iPod Touch, iPad, iPad Mini upang sa ganoon ay mapadali at hindi na maabalang ilabas ang mga ios devices na nasa bulsa man o sa bag. At hindi lang iyon, meron pa itong makabagong technolohiya na siguradong kagigiliwan ng lahat. Ang iWatch ay sinasabing ilalabas ngayong Octubre ng 2014.

ZEUS 3D-printer-copier-fax
Printing of plastic o “bulky items” ang isa sa pumapatok sa larangan ng 3D printing ngayon. Hindi lang ito printer, bagkus ito rin ay isang multifunction devices na may 3D scanner at pwede kahit hindi ginagamitan ng computer. Ito ay malaki sa microwave, at meron itong scanner at laser sa loob upang magaya ang anumang picture na gustuhin. Ang ZEUS ay lalabas ngayong 2014.

Wireless Charging
Sa panahon natin ngayon, karamihan sa ating pang araw-araw na ginagalawan ay ginagamitan na ng modernong teknolohiya. At dahil nga rito, ilalabas ngayong 2014 ang wireless charging para sa ating mga smartphones at gadgets.

Google Glass
Ang Google Glass ay isang wearable computer na may optical head-mounted display (OHMD). Ito ay ibinuo ng Google na kung saan ito ay nagpapakita ng impormasyon tungkoy sa gamit na gadgets tulad ng smartphones, androids at iPhones. Maaari rin itong gumamit ng internet sa pamamagitan ng natural language voice commands, kapag naman ginagamit ito makikita sa bandang ibabaw nito ang time, weather, maps, photos and videos, at SMS-messages from your phone and e-mail. Ang nasabing gadgets ay maagang lalabas ngayong 2014.

Scanadu Scout
Dahil sa walang humpay na sari-saring pagkain nitong nakalipas na ilang linggo, halos lahat sa atin ay gustong salubungin ang bagong taon ng pagkakaroon ng magandang pangangatawan. Sa pamamagitan ng Scanadu Scout makakasigurong ang inyong kalusugan ay maaalagaan. Sinusukat nito ang patient’s vital signs katulad ng heart rate, temperature, oxygenation at respiratory rate. Ang gadget na ito ay mailalabas sa Mayo ng 2014.

Source: https://www.google.com.ph/

Image

Image

Image

Image

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s