MS Kalusugan : MAHALAGANG PANG-UNAWA SA TIGDAS AT DIGDAS HANGIN

MS  KALUSUGAN : MAHALAGANG PANGUNAWA SA TIGDAS AT DIGDAS HANGIN

by: Black Swan

— Saan nanggagaling ang tigdas at ano ang kaibahan nito sa tigdas hangin?

  •     Ang tigdas ay isang karamdaman na nakukuha sa pamamamagitan ng paglanghap ng hangin. Ito ay isang virus na kung saan nagkakaroon ng pamamantal ang katawan kalakip ang pagkakaroon ng lagnat, sipon at ubo. Magkaiba ang tigdas sa tigdas hangin, ang tigdas ay lubhang mapanganib sapagkat pinupuntirya nito ang baga dulot ng pag ubo, sipon at maari ring tamaan ang tainga.
  •  — Ano ang sintomas ng tigdas at ano ang gamot para dito?
        Ang sintomas ng tigdas ay ang pagkakaroon muna ng ubo, sipon at pamumula ng mga mata na parang “sore eyes”. Maaari rin magkaroon ng lagnat na tumatagal hanggang 4-5 na araw. Ilang araw pagkatapos ng mga unang sintomas, maguumpisa ng lumitaw ang “rash” o pantal-pantal sa balat na may kalakip na pangangati at ito ay maaaring magtagal ng 4-9 na araw.
         Ayon sa mga eksperto, ang tigdas ay wala talagang lunas dahil ito ay self-limiting virus o virus na kusang nawawala. Ngunit kagaya ng lagnat,sipon, at ubo ito ay kailangang marapatan ng naaayong gamot. Dapat ipahinga ang katawan kapag may tigdas, uminom ng maraming tubig, kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas, at maaari rin uminom ng multi-vitamins. Magpakunsulta sa doctor kung may ibang nararamdaman na sintomas o hindi pa nawawala ang sintomas sa itinakdang panahon. Mas malaki ang tyansa ng matatandang may tigdas sa mga komplikasyon kesa sa mga bata. Kaya mag ingat tayo at salubungin ang bagong taon ng mapayapa at masiglang pangangatawan.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s