Bahay Bato ng Balik sa Paraiso: Posibleng Maging Bagong Tourist Spot sa Pampanga

Image

Bahay Bato ng Balik sa Paraiso: Posibleng Maging Bagong Tourist Spot sa Pampanga

by: Jas A. Ramos

Isa sa mga ipinagmamalaki ng Arayat ay ang natatanging Bundok Arayat kung saan ang Bundok Arayat National Park ay ang nag-iisa at inaabangang magpapausbong ng turismo ng Arayat sa muli nitong pagbubukas. Napakalawak ng Arayat upang ito’y hindi pasyalin at alamin ang mga lugar na maaring maipagmalaki na sa atin.

    Sa pagsasaliksik ng mga natatagong kagandahan ng Arayat, isa sa mga nakapukaw ng pansin ay ang produkto ng malikhaing imahinasyon ng isang talentadong Arayateno. Ito ay ang mala-kastilyong bahay nina Jesus at Teresita Padilla. Sa kasawiang-palad ay pumanaw na si Ginoong Jesus kaya naman ang aming nakapanayam ay ang kanyang bubutihing asawa na si Ginang Teresita.  Maaring sumakabilang-buhay na siya ngunit ang kanyang alaala ay hindi basta’t mawawala dahil sa iniwan niyang pamana o “legacy” sa kanyang pamilya. Ito ay ang Bahay Bato ng Balik sa Paraiso.

    Ang bahay bato ay sinimulang gawin noong 1981 ni Ginoong Jesus kasama ang kanyang mga anak at natapos ito pagkatapos ng sampung taon dahil sa mapinong pagkakadukit ng bawat detalye. Naisipan nilang gawing bato ang kanilang bahay dahil parati daw itong nasusunog at tinitirhan ng mga anay dahil nasa paanan sila ng bundok. Gumawa rin sila ng mga swimming pool at nagpatakbo ng isang mini-resort sa tabi ng bahay bato at ito ay tumagal ng tatlo hanggang limang taon. Isa rin sa mga napukaw nito ng pansin ay ang pamatnugutan ng GMA 7 at ginawa itong lokasyon para sa taping ng kanilang fantaserye na “Ilumina”.  Ito’y nagkaroon dati ng isang masaganang bilang ng mga turista na nagpabalik-balik ngunit ngayon ay kumupas na ang mga turista. Ito’y hindi dahil kumupas na ang struktura sapagkat ito ay napagkulangan na ng pansin sa mga nakaraang taon.

    Sa isang mapanuring mata, meron itong potensyal at kakayahan na maging isang tourist spot hindi lang dito sa Arayat kundi narin sa buong Pampanga. Kung ikaw ang makakakita ay ganun din ang maaring matanto ng iyong kaisipan. Luma na ang itsura nito ngunit nanatili pa rin ang kagandahan ng sining. Konting landscape at beautification lang ay maari na itong  buksan para sa turismo.

“There are famous art structures in history that you know and that you may have seen, these have been aged but have lived for a long time with beauty and art. And Bahay Bato ng Balik sa Paraiso is likely to become one if given enough attention, beautification and preservation of its beauty and art.”

 

2 thoughts on “Bahay Bato ng Balik sa Paraiso: Posibleng Maging Bagong Tourist Spot sa Pampanga

  1. If I am from San fernando… how can I get there? Thank you🙂

    • i preferred you should have a private vehicle because it’s really far and when you get there there are no vehicles available…just ask the route of gintung pakpak because it’s only a block before it

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s