Taunang Giant Lantern Festival, Idinaos!

by: Lili Pad

Barangay Telabastagan ang itinanghal na kampeon sa taunang Giant Lantern Festival noong Disyembre 14, 2013 na ginanap sa Robinsons Starmills, CSFP.

Tampok ang 10 naglalakihang mga parol sa naturang paligsahan. Ito ay naging tradisyon na dito sa Pampanga. Ang Giant Lantern Festival (Ligligan Parul) ay produkto ng pinaghalu-halong pagsusumikap ng bawat barangay ng San Fernando. Ang mga ilaw ng mga parol na ito ay nakasabay sa saliw ng musika at may tamang timing. Libu-libong piso ang nagagastos sa paggawa ng dalawampung talampakang mga parol na ito at tumatagal ng ilang buwan bago makumpleto.

Sa sampung nakilahok, pinaka nagliwanag ang parol ng Telabastagan. Sinorpresa nito ang mga manonood dahil sa kakaiba nitong atake. Pumangalawa ang Del Carmen at nasa pangatlong pwesto naman ang Sta. Lucia.

Magkakaroon ng gabi-gabing pagpapailaw sa mga higanteng parol mula Dec. 15 hanggang Jan. 3 sa susunod na taon. Narito ang iskedyul ng Nightly Exhibitions:

·         Dec 15 to 21, 2013            ……………….           7pm – Robinsons Starmills, CSFP

·         Dec 25, 2013 to Jan 3, 2014           ……………….           7pm – Robinsons Starmills

·         Dec 22, 2013       ……………….           7pm – Telabastagan, CSFP

·         Dec 23, 2013       ……………….           7pm – Greenfields, Sindalan, CSFP

·         Dec 24, 2013       ……………….           11pm – City Proper, CSFP

·         Dec 27, 2013       ……………….           Nepo Center, Angeles City

·         Dec 28 to 29        ……………….           Marquee Mall, Angeles City

 Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s