Kaloobang Arayateno: The Good Samaritan

by: Lili Pad

Hindi maipagkakaila na sa ating panahon ngayon, naglipana na ang iba’t ibang uri ng masasamang loob. Sari-sari ang dahilan kung bakit nila nagagawa iyon. May ilan na dahil sa kahirapan at ang iba naman ay naging hanap-buhay na ito.

    Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mas marami pa rin namang mabubuti ang kalooban. Isa na rito si Ginoong Luis V. Ocampo ng San Agustin Norte, Arayat. Napag-alaman namin na siya ay nagsauli ng perang nagkakahalaga ng mahigit P450,000 sa isang empleyado ng pribadong kumpanya.

Ilang buwan na rin daw ang lumipas ng mangyari ang insidenteng iyon. Ayon sa kanya, natagpuan niya ang isang malaking plastic na kulay dilaw sa terminal. Nang kanya itong sinilip ay nabigla siya ng makita ang napakaraming salapi. Hinanap niya ang may-ari ngunit nabigo siya kaya dinala na muna niya ito sa kanilang tahanan.

Nang bumalik siya sa terminal, nakita niya ang isang lalaki na tila may hinahanap at  hindi mapakali na parang hihimatayin na. Nilapitan niya ito at tinatong kung ano ang nangyari sa kanya. Sinabi daw ng lalaki na nawawala ang perang para sana sa sahod ng mga empleyado ng kanilang kumpanya. Kapag hindi raw naibalik iyon, mawawalan siya ng trabaho, makukulong at maiiwan ang asawa nitong may sakit at nasa ospital. Nang marinig ito ni Mang Luis, agad niyang tinanong kung anong itsura ng kanyang hinahanap, sinabi naman ng lalaki na nakabalot ng dilaw na plastic ang pera at nagkakahalaga ng P450,000 na cash maliban pa sa mga tseke. Nung nakumpirma na ni Mang Luis na ang lalaki nga ang may-ari ng napulot niyang pera, hindi siya nag dalawang isip na sabihing nasa kanya ang pera at ito’y itinabi muna niya sa kanilang tahanan dahil sa hindi niya mahanap ang may-ari. Nang malaman ng lalaki iyon ay halos maiyak ito sa tuwa. Ibinalik ni Mang Luis ang pera ng walang labis, walang kulang. Makalipas ang ilang linggo, hinanap ng lalaki si Mang Luis upang abutan ng kaunting pasasalamat, ngunit ibinalik niya ito at sinabing itago na lamang ng lalaki ang pera upang ipandagdag sa bayarin nila sa ospital.

    Tunay nga naman na isang “Good Samaritan” si Mang Luis. Kahit hindi sila ganoon kayaman, hindi pa rin siya nasilaw ng salapi. Kung tutuusin ay mayaman na sana siya ngayon, ngunit pinili niyang maging isang mabuting mamamayan na may malinis na konsyensya. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho na si Mang Luis sa terminal bilang Chief Utility.

Marami pa ang mga Good Samaritan dito sa atin tulad ni Mang Luis at sana marami din ang tumulad sa ginawa niya.

 
Image

One thought on “Kaloobang Arayateno: The Good Samaritan

  1. mabuhay ka soy!!! Pagmaragul da ka

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s