ISANG MALAKING SUNOG ANG BUMALABAL SA ILANG GUSALI SA PALENGKE

by: Jas A. Ramos

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-11 ng Disyembre 2013, nangyari ang isang malaking sunog na tumupok sa mga ilang establisyimento sa Poblacion sa palengke sa may tabi ng Anderson Elementary School. Ayon sa Arayat Fire Station, isa sa mga bumbero nila na si F02 Joel Basilio ay bumibili ng pagkain sa palengke nung nakita niya na may nasusunog sa may Colegian Tayloring. Nakita niya na may nasusunog sa bintana ng ikalawang palapag ng nasabing establisyimento. Nagsimula ang sunog sa ganap na alas-sais ng gabi (6pm). Kaya naman agad umaksyon ang Arayat Fire Station na nakarating sa may sunog sa oras na (6:05pm). Mabilis na kumalat ang apoy kaya agad bumalabal ang sunog sa may Ballentes Balloons and Party Needs. Makalipas ang sampung minuto (10 mins) ay dumating ang fire truck ng Sta. Ana, Magalang at San Luis. Sa pagkakapit-bisig ng mga bumbero ay agad tumila sa paglagabgab ang apoy. Ganap na alas-syete ng gabi (7pm) ay “under control” na o ang ibig sabihin ay hindi kumalat ang sunog. At sa ganap na alas-syete imedya ng gabi (7:30pm) ay “fire out” na o ang ibig sabihin ay tuluyan ng nawala ang sunog. Ayon sa imbestigasyon ng Arayat Fire Station, ang naging sanhi ng sunog ay electrical short circuit. Wala namang casualty o nasugatan sa nasabing insidente. Ang mga bumberong rumisponde sa naganap na sunog ay sina INSP Josie G. Lising, SF01 Serrano, F03 Chan, F02 Nieves, F02 Basilio, F01 Velasquez, F01 Alejandrino, at Sebastian. Mahigit kumulang na dalawang milyon at limang daang libo(2.5 million) ang total damages.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s