Arti Sta.Rita

 by: Black Swan

Sa maalab na pagtangkilik at pagmamahal sa musika at kultura, nabuo ang grupong Arti Sta. Rita o kilala sa kanilang lugar bilang “Artista ng Apung Dita”. Ito ay isang Musical Theatre group sa bayan ng Sta. Rita sa probinsiya ng Pampanga na sinalihan ang mga residente doon. Mula bata na apat na taong gulang hanggang anim na pung taong gulang pataas. Ito ay boluntaryong itinatag ni G. Andy Alviz na ngayon ay tumatayong Chairman ng organisasyon.

    Kaakibat ng kanilang ipinagmamalaking DUMAN FESTIVAL, na kung saan masasaksihan ang samu’t-saring kakanin na gawa sa ipinagmamalaki nilang duman na mismong mga residente roon ang may gawa at iba’t iba pang kakanin tulad ng bariquillos, sansrival, masa podridu, mammon, mamon tostado at iba pa. Ipinamamalas ng Arti Sta. Rita ang angking galing sa pamamagitang ng pagtatanghanal doon na ginaganap taon taon. Nito nga lang ika 7 ng disyembre, naganap ang isa nanamang nakakamanghang pagtatanghal nila na pinamagatang “Gintu ing Kule ning Daya” na ang ibig sabihin ay “Ginto ang kulay ng dugo”.

    Ang Arti Sta. Rita ay isa sa mga konkretong pundasyon na sumasalamin sa kultura ng mga kapampangan at nagbibigay daan din upang sa ganoon ay makilala at tangkilikin natin ang sariling talento na nagbibigay kahulugan sa pinagmulan ng musika at sining ng mga kapampangan.

    Pinagsama ang salitang “Arti” na ang ibig sabihin sa kapampangan ay pag-arte at ang “Sta. Rita” na pangalan ng kanilang bayan at pati na rin ang kanilang pinagmamalaking patron (Sta. Rita De Casia) nabuo ang pangalan ng grupo na Arti Sta. Rita.

    Sa pagiging patok at patuloy na pagsikat ng kanilang grupo, nagkaroon sila ng album. Ito ay ang “KAPAMPANGAN KU”, “PAMANULI”, “PARALAYA”, at “MEKENI TUKI KA”.

    Ang pagkakaiba ng Arti Sta. Rita sa ibang grupo ay ang orihinal na tema kapag sila ay nagtatanghal, ginagamitan nila ito ng “ZARZUELA” sa makabagong paraan. Kaya naman hindi lang dito sa Pilipinas nagtatanghal ang mga ito kundi pati na rin sa ibang bansa tulad ng USA.

    Ang grupong ito ay naglalayong manghikayat sa mga kabataan na tangkilikin ang sariling kultura pati na rin sa ating tradisyon na ating nakasanayan noon. Layunin din nito na parating sa maraming mamamayan sa Pilipinas na tangkilikin natin ang sariling atin sa larangan ng musika at kultura upang sa ganoon ay may maipagmamalaki tayo sa bagong henerasyon at upang may maiwan tayong alaala sa hinaharap.
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s