MS Proudly Arayateño: Major Joe Reyes

by: Jas A. Ramos

Kung si Superman ay tinatawag na “Man of Steel” dahil sa sobrang lakas niya at dahil may superpowers siya, si Batman naman ay “The Dark Knight” dahil gagawin niya ang lahat para sa hustisya at para sa ikabubuti ng kanyang bayan. Ito naman ipakikilala ko sa inyo ay isang Arayateno na pinagsamang Superman at Batman dahil sa kakaiba nitong lakas at sa layunin niya para sa hustisya at sa ikabubuti ng bayang sinilangan. Masasabi mo na isa nga siyang “Proudly Arayateno” dahil hindi lang sa ipinagmamalaki niya na Arayateno siya sa halip ay sa dami ng kanyang nagawa para sa Arayat. Siya ay walang iba kundi si Major Joe Reyes. Tawagin na lang natin siyang “The Achiever” dahil sa dami at halos hindi na mapapantayang nagawa niya para sa bayan ng Arayat.

At nasabi ko nga na may kakaiba siyang lakas at ito ay isa sa mga kahanga-hangang katangian niya. Meron siyang lakas at tapang upang harapin, diktahin, tugisin, at higit sa lahat ay kinatatakutan siya ng mga nagbabalat-kayong kriminal lalo na ang mga durugista, ang sinasabi niyang mga bukbok ng Arayat. Pinagbuklod at pinagbati niya ang dalawang kinatatakutan at makapangyarihang Arayateno, na hindi kuna babanggitin, noong panahon kung saan ang krimen ay talamak sa Arayat. At dahil noong talamak ang krimen sa Arayat, ni hindi nila mabuksan ang kanilang pinto sa sobrang takot kaya walang nagkusang-loob upang magbantay sa mga balota ng nagkaroon ng eleksyon. Ngunit may iisang buong tapang na nagkusa upang magbantay at ito ay si Major Joe Reyes. Kahit na madilim at wala nang  tao sa daan ay inikot pa niya ang buong Arayat upang tignan at inspeksyunin ang mga balota. Dahil isa siyang achiever ay hindi siya huminto at nagpursige upang maging matagumpay sa pagtutugis ng mga kriminal at doon ay unti-unting nalinis ang bayan. Siya ang nagsilbing peacemaker ng Arayat.

    Ang layunin para sa hustisya at para sa ikabubuti ng bayan ay isa rin sa mga katangi-tangi niyang maipagmamalaki. Noong 1991 ng pumutok ang Pinatubo ay bumalabal sa Arayat ang makapal na alikabok nito ngunit walang umaksyon. Marami ang nagkasakit kaya marami rin ang nagsiksikan sa ospital. Isa sa mga nagkasakit ay ang kanyang anak kaya naman gumawa na siya ng paraan upang mapigilan ang pagdami ng mga nagkakasakit. Hiniram niya ang sound system ni Balbas at nilagay sa kanyang bisikleta at umikot upang hudyatin ang mga may bahay na lumabas sa kanilang sariling bahay at sama-samang walisin ang alikabok dahil marami na ang nagkakasakit.
At dahil pumutok ang Pinatubo marami ang nangamba na maaring pumutok ang Bundok Arayat kaya naman kinausap niya ang mga taga San Juan Bano na hindi nila dapat galawin ang bundok dahil kapag pumutok ito ay sila ang unang mamamatay. At madadamay rin ang buong Central Luzon. Kaya naman walang pasaway ang gumalaw sa bundok.
Kung maalala niyo sa mga naging estudyante niya, siya rin ay nagturo ng DARE na may layunin na wakasin ang droga at mabigyan ng kaalaman kung paano makaiiwas dito. At sa pagtuturo nito, nabigyan niya ng silid-aralan, napalaki niya ang stage ng San Nicolas, at sa Arayat Central Elementary School naman ay napa-aliwalas niya ang covered court nito. Pinasemento niya rin ang dalawang kilometrong kalsada ng Plazang Luma.
Siya ang nagtatag ng pinakamasaya at pinakamalaking Santacruzan sa bayan ng Arayat kung saan madami ang dumalo at lahat ay nakasuot ng kulay puti.

Kasama rin siya sa sumulat ng PNP law noong Disyembre 2001. At noong dumating si Pope St. John Paul II sa Pilipinas ay isa siya sa mga naging security niya.

Siya ay pinarangalan bilang Outstanding Policeman pitong beses kaya nga nasa hall of fame na siya. Gold Medal for Leadership noong 1991 given by National Training Command.  Dati rin siyang student leader ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr.  At siya lang ang ginawan ng resolution para iparangal bilang hero nang bayan. Kung itatanong niyo ay meron na siya ngayong 175 Awards at 33 Medals.

Hindi hadlang ang pagiging simpleng mamamayan upang makatulong sa kapwa at sa sariling bayan basta’t may mabuti kang hangarin na handa mong tuparin sa paraan na makakaya mo.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s