KAHULUGAN NG ADBYENTO AT KORONANG BERDE NA MAY APAT NA KANDILA

by: Black Swan

Pumasok na naman ang buwan ng Disyembre, hudyat na malapit na ang pasko at marami na sa atin ang naghahanda ngayon pa lang para dito. May naglalagay na nang iba’t-ibang palamuti sa harap ng bahay, mga Christmas light at Christmas tree na naggagandahan at higit sa lahat nagumpisa na ang unang lingo ng Adbyento.

          Sa buwan na ito nagsisimula ang tinatawag nating panahon ng Adbyento o Advent season na isinasagawa sa simbahang katoliko sa buong mundo. Ang salitang adbyento o advent ay nanggaling sa salitang Latin na adventus, na ang ibig sabihin ay “pagdating”. Na nangangahulugang sa panahong ito hinihintay natin ang pagdating ng araw ng kapanganakan ni Hesus na una nating ipinagdiriwang noong siya ay isilang bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Sa pahahon ding ito hudyat na rin ng bagong taon sa kalendaryo ng simbahang katoliko. Ito ay sinisimulan sa unang lingo ng adbyento. Sa loob ng apat na linggong paghahanda, sinisindihan isa-isa ang mga kandila bago sumapit ang araw ng Pasko.

          Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng koronang berde na may apat na kandila sa tabi ng altar sa Simbahan. Ito’y dekorasyon lang ba o may kahulugan ang bawat isa?

          Ang koronang berde na may apat na kandila ay simbolo ng adbyento. Ang koronang berde na nakikita sa may mga kandila ay tinatawag na “advent wreath” o ang koronang pang-adbiyento. Ito ay gawa sa sanga ng evergreen na nangangahulugan ng buhay na walang hanggang na kaloob ng Diyos. Dito sa Pilipinas, mahirap makahanap ng evergreen tree kaya naman pine tree madalas ang gamit dito o kung minsan naman ay artificial na evergreen gamit ng iba.

          Ang apat na kandila naman ay sumisimbolo at kumakatawan sa apat na linggo ng adbiyento bago sumapit ang kapaskuhan. Ang tatlong kandila ay kulay ube o purple na ang simbolo ay panawagan ng adbiyento tungo sa pagsisisi at pagpapasimula ng bagong buhay. Ang natitirang kandila naman ay kulay rosa o pink ang simbolo naman nito ay sagisag ng kagalakan na salubungin ang pagdating ng Panginoon.

 Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s