Bank Accounts ni Pacquiao — Frozen

by: Lili Pad

Muli na namang nagbigay ng karangalan ang ating Pambansang kamao na si Manny Pacquiao matapos maiuwi ang Welterwieght title laban kay Brandon Rios na naganap sa Macau noong nakaraang linggo, Nobyembre 24, 2013.

“I am not a criminal or a thief. I am not hiding anything. I will face my problems as they come”, “I have already paid my taxes in America. Had I not paid the correct taxes they would have come after me and I would not have been able to travel there”. Ito ang mga katagang nasambit ni Pacquiao matapos pumutok ang balita na ang kanyang mga bank accounts ay na-freeze dahil sa hindi raw siya nakapagbayad ng tax na nagkakahalaga ng P2.2 billion noong 2008 at 2009.

Iginiit ito ni Pacman at sinabing nagbayad siya ng buwis sa America. Gayunpaman, ayon sa Associated Press, naghihintay lamang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng katibayan mula sa Internal Revenue Service (IRS) ng Estados Unidos na nagbayad nga roon si Pacquiao. “Ang maaari niyang gawin ay pumunta sa IRS at hilingin doon na I-certify ang kopya ng kanyang tax payments at gawin itong  true copy” ayon kay  Revenue Commissioner Kim Henares.

Kinumpirma naman ng mga awtoridad na hindi kailangan magbayad ng double tax si Manny kung mapapatunayang nagbayad siya ng buwis ng U.S. para sa kanyang mga laban at endoso na nangyari sa bansang iyon. Sa bawat laban ni Manny na nagaganap sa U.S., kasama ang noong 2008 at 2009, kinukuha ng Top Rank ang 30% mula sa bulsa ni Manny at ibinabayad ang halagang iyon direkta sa Internal Revenue Service (IRS) sa pamamagitan ng Electronic Funds Transfer (EFT). Idineposit ng Top Rank ang apirmasyon ng bawat kabayaran. Isinumite na ng Top Rank ang mga kopya ng EFT deposit acknowledgements sa Bureau of Internal Revenue bilang katibayan ng kabayaran. Natanggap na ng BIR ang mga dokumento ngunit inatasan si Manny na panatilihing “certified” ang mga dokumento na manggagaling mismo sa IRS. Sa ngayon, gumawa na ng isang formal request si Manny, addressed to the IRS at inaasahan  na maibibigay na sa BIR ang mga karampatang dokumento.

Sinabi ni Pacquiao na kinita niya ang perang ipinagkakait sa kanya ngayon. “Hindi ako makapag-withdraw ni isang singkong sentimo sa sarili ko pong pera. Hindi ko magamit para man lang makatulong. Ang pera kong ginarnish ng BIR ay hindi po nakaw at hindi po PDAF (Priority Development Assistance Fund) o DAP (Disbursement Acceleration Program). Ito po ay galing sa lahat ng suntok, bugbog, pawis at dugo na tiniis ko sa boxing,” dagdag pa niya.

Ang laban niya kay Brandon Rios ay inaalay niya sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda at naglalayon sana na makatulong sa kanila ngunit dahil sa pagkakaipit ng kanyang mga accounts, gumawa na siya ng  paraan upang matupad ang kanyang pangako at nanghiram muna siya ng pera upang matustusan ito.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s