MS Kasaysayan: Kasaysayan Ng Simbahan Ng Santa Catalina de Alejandria ng Arayat

Image

by: Jas A. Ramos

Ang simbahan ng  Santa Catalina de Alejandria, sa bayan ng Arayat, ay ang pangatlong pinakamatandang simbahan dito sa Pampanga.

Ang unang simbahan ng Santa Catalina de Alejandria ng Arayat ay gawa sa kahoy at ang unang naging pari ay si Fr. Andres Fernandez noong Disyembre 1598. Gumawa ng kasulatan noong 1850 si Fr. Jose Torres at pinagawa niya ang simbahan. Ito’y sinundan naman ni Fr. Juan Tuquero noong 1877 at natapos noong 1892 sa ilalim ng pamamahala ni Fr. Urbano Bedoya.

Noong 1924, nagkaroon ng malaking pagbabago sa konstruksyon ng simbahan sa tulong ng mag-asawang Don Juan Kabigting at Dona Luisa Gabriel. Ang simbahan ay may pitumput metrong lapad (70 meters wide) at labing-dalawang metrong taas (12 meters tall). Ang retablo sa satru ng rebulto ni Santa Catalina de Alejandria, ang patron ng bayan, sa bandang kanan ni St. Aloysius ng Gonzaga, ang patron ng Dona Luisa at sa bandang kaliwa si San Juan Bautista patron ni Don Juan. Noong 1960, ang table ng flooring ng simbahan ay pinalitang tisa at pati ang mga pintuan ay pinalitan at ginawang bakal. Noong 1968, ang loob ng simbahan ay binago sa pangunguna ni Fr. Lope Hernandez. Noong 1980, sinira ng malakas na hipo-hipo ang kumbento at pinagawa sa madaling panahon. Noong 1995, ang isa sa adoration chapel ay itinayo sa ilalim ng kumbento sa panahon ni Fr. Felipe Manalang. Noong 1996, ang retablo ay nagawa  pati na rin ang sakristia.

Nagkaroon ng malaking pagbabago ang simbahan noong 2001 sa tulong ng mag-asawang Rene at Mila Medina. Nabago ang Altar, pati ang mga bintana, at nalagay na rin ang mga bagong chandelier. Nagkaroon ng canopy ang pintuan ng simbahan at nalagay na rin sa ibabaw ang rebulto ni Santa Catalina.

Noong 2012, pinapintura ni Fr. Reynaldo Cruz ang loob ng simbahan at nagawa ang bagong mortuary. At para kumalat ang kasalpantayanan ng bagong parokya ng San Isidro Labrador ay nagtatag sila noong 1971 sa Camba para sa barangay ng Tabuan, Camba, San Mateo, Mapalad, Bitas at Suclayin. Noong 2004, nagawa ang Parokya ng Most Holy Name of Jesus sa Bitas para sa mga tao ng Gatiawin, Bitas, Lacmit at Palinlang. Si Fr. Mark Manabat ang naging unang kura paroko.

Source: Ing Mayap a Balita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s