MS Opinyon: Tulong Para sa Mga Biktima ng Yolanda, Nasaan Na Ang Lokal na Gobyerno?

by: Jas A. Ramos

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Yolanda ay ang pinakamalakas na bagyo na naitala hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya naman inaasahan na ang napakalupit na pananalasa nito, mas malupit pa kay Ondoy at hurricane Katrina ng US. At dahil dito, dapat handa at tugon agad ang gobyerno sa mga maaring masalanta at mangailangan ng pagkain.

At sa pagdating ni Yolanda halos lahat ng mamamayan ng Visayas ay naghanda at nagsilikas. Naghanda rin ang media sa coverage nitong bagyo. Meron ngang isang reporter na nakapukaw ng pansin ng mga manonood dahil sa tapang niya na kahit hinahagupit na siya ng malakas na hangin ay nagpatuloy pa rin siya sa paghahatid ng balita.

Nakita naman ng ating dalawang mata kung gaano kalakas ang bagyo. Ang bilis ng pagtaas ng tubig sa mga daan, ang napakalakas na hangin na parang hipo-hipo na kahit bahay ay natatangay nito, ang lakas ng ulan na ni wala ka nang makita sa screen ng telebisyon mo kundi ang napakalakas at napakabilis na patak ng ulan. Isa sa mga pinakanaapektuhan ay ang Tacloban City dahil nandito ang mata ng bagyo.
 
At sa pag-alis ng bagyo ay akala natin magiging maayos na ang lahat. Hindi ito ang inaasahan ng lahat. Ang inaasahan natin kahit ayaw natin ay merong masisira lang na iilan na puno at mga kabahayan dahil nga ito ang pinakamalakas na bagyo. Ngunit hindi. Ang naging pananalasa ng bagyo ay parang ang paggunaw ng mundo. Kinain niya halos ang Visayas. Kinain niya hindi lang ang mga bahay kundi ang lahat ng mga imprastraktura kaya ngayon ay walang maayos na masisilungan ang mga tao. Kinain niya ang lahat ng mga puno. At higit sa lahat ay walang awa niyang kinain ang maraming buhay ng mga mamamayan na ngayon ay hindi pa matapos sa paghahanap. Pero ang hindi  niya makakain ay ang pag-asa sa bawat puso ng mga biktima na ngayon nakakalungkot man sabihin ay unti-unting naglalaho. Dahil nga sa mabagal na pagtugon at pagbibigay tulong ng lokal na gobyerno.

Kalunos-lunos ngayon ang estado ng Visayas, wala silang sapat na makain. malinis na tubig na mainom at bahay na masisilungan. Kailangan nila ang serbisyo ng gobyerno.  Nasaan na gobyerno? Bakit sa halip na ang lokal na gobyerno ang higit na tumutulong ay ang Estados Unidos, Britanya at iba pang bansa ang higit na tumutulong. Kaya naman ngayon ang mga mamamayan ng Visayas ay humihingi ng tulong kay President Obama sa halip na sa ating lokal na gobyerno.

Kailangan nila ngayon ang panalangin natin. Kailangan nila ngayon ng donasyon natin. Donasyon na maaringdonasyon ng ating oras. Ang paglalaan natin kahit konting oras upang tumulong sa kanila. Kailangan nila ngayon ng tulong natin upang maiangat muli ang pag-asa at saya sa bawat isa.

Image

Photo by: News Group Newspapers Ltd

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s