MS OPINYON: Bakit Wikang Filipino sa halip na AMANUNG SISUAN?

Bakit Wikang Filipino sa halip na AMANUNG SISUAN?

by: Lili Pad

Marahil marami sa inyo ang nagtatanong kung bakit ang Wikang Filipino ang napili naming gamitin at ilimbag dito sa pahayagang Maria Sinukuan. Marami din ang bumabatikos sa lenggwaheng aming pinili upang ipahayag ang mga balitang aming nakakalap sa kabila ng pagiging true-blood Kapampangan namin. Ngayon sa salaysay na ito, alam ko na marami din ang magbibigay ng kanilang sariling mga palagay at kuru-kuro hingil sa isyung aking tatalakayin at amin po kayong nirerespeto.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang Wikang Filipino o Tagalog ay ang ating itinuturing na Pambansang Wika hindi ba? Alam niyo ba na sa buong mundo, ang ating bansa lamang ang mayroong taunang pagdiriwang para sa sariling wika?

Minarapat namin na Wikang Filipino ang gamitin dito sa ating pahayagan sa kadahilanang amin ding binibigyan ng konsiderasyon ang mga naninirahan dito sa ating bayan na hindi nakakaintindi ng Kapampangan ngunit may pusong Pampango, mga kababayan natin na nakikibalita sa mga kaganapan dito sa ating bayan na mula pa sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga Social Networking Sites (Facebook/ Twitter), at ang iba pang mga Pilipino na nais maki alam sa mga pangyayari dito sa atin. Napili naming gamitin ang Tagalog upang mas malawak at mas marami ang maabot ng mga balita tungkol sa ating bayan. Hindi namin nais na ipagkait sa kanila ang impormasyon. We want everyone to understand the news that we are trying to disseminate.

Maging ang wikang Ingles ay hindi rin natin maiwasang hindi gamitin. Batid naman nating lahat na kung dito sa Pilipinas, Filipino ang universal language, Ingles naman ang para sa buong mundo.

Hindi ibig sabihin na dahil ginagamit namin ang wikang Filipino sa pagbabalita ay kinakalimutan na namin ang ating “AMANUNG SISUAN”. Tayong mga Kapampangan ay hindi makasarili. Tayo dapat ang  higit na nakakaintindi kung bakit ang wikang Filipino ang nakalimbag dito sa ating pahayagan. Ang ating pambansang wika kasi ang nagsisilbing pamagitan upang mapagbuklod at magkaintindihan tayong mga Pilipino na nagmula sa iba’t ibang parte ng bansa. Wala kaming pinipiling “type of audience”. Responsibilidad namin na hindi maging bias pagdating sa pagbabalita.

Napakaimportante ng pagkakaroon ng komunikasyon. Communication builds strong bonds. Sharing the information that we know through the use of the Filipino Language is a form of an effective communication instrument.

Pasibayu pu, pabalu mi mu pu ing kekaming sangkan nung bakit Tagalug ing apili ming gamitan kening kekatamung dyaryu. Dakal pung salamat queng pamanintindi.

Mabuhay ang ating bayan.

LUID! Balen ning Arayat.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s