MS OPINYON: May Pagbabago Ba Na Magaganap Para sa Mga Naihalal sa Barangay Halalan 2013?

May Pagbabago Ba Na Magaganap Para sa Mga Naihalal sa Barangay Halalan 2013?

by: Black Swan

Lumipas na naman ang ekeksyon sa ating bansa at lumipas na naman ang dating administrasyon. Sa bawat isa sa atin, iisa lang ang tumatakbo sa ating isipan at may umuusbong na kuryusidad

Ang tanong: MAY PAGBABAGO BA?

Sa ating bansa hindi na mawawala ang mga sari-saring palabok at taktika ng mga tumaktakbo, mapa lokal man yan o nasyonal. Mayroon pa ngang iba’t- ibang pamamaraan ang bawat tumatakbo may mapamaraan na politiko, mautak na politiko, mabulaklak sa pagsasalita na politiko at may galanteng politiko. Ngunit kahit paulit ulit lang ang sistema ng eleksyon dito sa bansa, isa lang ang hangarin ng bawat mamamayang Pilipino ito ay ang mga taong hangarin lamang ay makakapag papabago sa bulok na sistema ng ating administrasyon.

Sa panibagong pamumuno ngayon, umaasa ang taong bayan sa mga opisyales na nahalal na magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan. Sa bawat sulat ng mga indibidwal na bumoto, kahit maipit sa siksikan, umuwi sa mga barrio upang makaboto hangad lamang ay magkaroon ng magandang resulta ang halalan upang ang karapatdapat at sa tingin nila ay makakapagpa tama ng maling pamumuno sa bayan ang mailuklok.

Ika nga ng iba, mas importante ang pagboto sa lokal na eleksyon (Barangay Elections) kesa sa national election dahil dito daw naguumpisa ang pagbabago. Tama nga naman, dahil naguumpisa ang pagbabago sa maliit na komyunidad.

Simpleng halimbawa nalang ang pila, dito sa atin makikipag siksikan ang sino man para lang maka una. Ngunit sa bansang hapon, kahit umabot na nang gabi ang pila hinding hindi lilipat ang isa man sa kanila para lang makauna. Ipinapakita lamang dito na may disiplina sila, may tiyaga sa paghihintay at may  rispeto ang bawat isa sa kanila.

Kung ang bansang hapon ay kayang umangat at umunlad sa simpleng pamamaraan nilang iyon, tayo rin. Tandaan, sa sarili nag-uumpisa ang pagbabago, may kanya-kanyang layunin at desisyon ang bawat tao. At sana sa bawat desisyong iyon mapunta sa magandang kapakanan ang lahat ng iyon.

Ika nga ng iba “lamang ang may pinag-aralan” ngunit minsan kung sino pa ang may pinagaralan ito pa ang ganid sa kapangyarihan. Ngunit batid man nating totoo ito, hindi mapapantayan ng sino man ang may kusang loob na maglingkod sa bayan, walang karapatan ang sino man na humadlang sa taong may pagmamahal at malasakit sa bayan.

Walang pinipiling estado sa buhay ang mga taong gusto ay mapalaganap ang kapayapaan sa bayan. Kaya naman pinila at iniluklok ka sa bayan dahil may tiwala ang taong bayan sa kakayahan mong pamunuan sila. May magagawa ka at makakatulong ka sa pagbabago ng ating bayan, Ipakita sa kanila na ika’y karapatdapat.

Ang tunay na lider ay walang kinikilingan, handang tumulong sa lahat, walang masamang hangarin sa bayan at lalong walang hinihinging kapalit sa kahit na sino man. Hangad lamang ay maging payapa at magkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang bawat Pilipino upang sa ganoon ay mawala na ang anumayla sa ating bansa bagkus, palaguhin ito sa tamang pamamaraan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s