DRUG-FREE ARAYAT SA ILALIM NG “ANG BAGONG ARAYAT” (MANIPESTO NG “ANG BAGONG ARAYAT” LABAN SA DROGA)

Ang ipinagbabawal na gamot o DROGA ay isa sa pinakamalalang sakit ng ating lipunan sa kasalukuyan. Sinisira nito ang utak at kaisipan ng mga kabataan hanggang sa tuluyang mamatay; habang unti-unting  winawasak ang mga pamilya sa mga lungsod at kanayunan. Sa katunayan, ang halos lahat ng krimen at kahirapan ng buhay sa buong Pilipinas ay may kaugnayan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Dahil sa DROGA, laganap ang patayan, nakawan, holdapan, rape at mga sari-saring aksidente sa mga kalsada at highway; kakauti ang bilang ng mga kabataang nakapagtatapos ng kolehiyo; walang dayuhang negosyante ang maglakas loob na mamuhunan sa mga lugar na pinamumugaran ng mga PUSHERS at USERS; at dahil dito nahihirapang umangat ang ekonomiya ng buong bansa.
   
Ang bayan ng Arayat, sa kabila ng kagandahan nito, ay patuloy na pinahihirapan at pinapapangit ng DROGA na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit napag-iwanan ito ng ibang mga bayan sa Pampanga sa larangan ng ekonomiya.

Kaya layunin ng “Ang Bagong Arayat” ni Mayor Emmanuel “Bon” M. Alejandrino na wakasan ang pamiminsala ng mga USERS at PUSHERS sa lahat ng 30 barangays ng Arayat, sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:

•    Direktang pamumunuan ng mga Punong Barangay ang giyera laban sa DROGA, sa tulong ng Bantay Bayan at Barangay Health Workers (BHWs);
•    Hikayatin ang lahat ng mga residente sa bawat barangay na isumbong sa Punong Barangay o sa Pulis ang sinumang makitang gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar;
•    Himukin ang lahat ng mga organisadong samahan, tulad ng kooperatiba, PTA, TODA, relihiyon at iba pang sector na makipagtulungan sa kampanya laban sa DROGA;
•    Hikayatin ang mga kabataan at estudyante na lumahok sa iba’t-ibang palakasan, gaya ng arnis, basketball,chess table tennis sa buong Arayat;
•    Lumikha ng livelihood project para sa kabataan at kababaihan sa mga barangay;
•    Tulungang mapagamot sa mga pampublikong rehabilitasyon ang mga USERS upang makapagbagong buhay at ikulong ang mga PUSHERS;
•    Magpasa ng kinakailangang ordinansa upang mapabilis ang pagtatamo at mapanatili ang pagkakaroon ng DRUG-FREE ARAYAT; at
•    Patuloy na makipag tulungan sa Philippine National Police (PNP) at Dangerous Drug Board (DDB) sa probinsiya.
Sa mahusay na pakikipagtulungan ng lahat ng Punong Barangay sa layunin ng “Ang Bagong Arayat” na labanan ang DROGA at pagsasakatuparan ng mga pamamaraang nabanggit sa itaas, ang DRUG-FREE ARAYAT ay abot kamay lamang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s