ZERO-WASTE ARAYAT SA ILALIM NG “ANG BAGONG ARAYAT” (MANIPESTO NG “ANG BAGONG ARAYAT” LABAN SA BASURA)

ZERO-WASTE ARAYAT SA ILALIM NG “ANG BAGONG ARAYAT”
(MANIPESTO NG “ANG BAGONG ARAYAT” LABAN SA BASURA)

Ang basura o “Solid Waste” ay isa sa pinakamalaking problema ng bansa sa kasalukuyan. Ang problema sa basura ay isang isyu na hindi dapat ipagwalang bahala ninuman dahil dito nakasalalay ang kalusugan at kinabukasan ng bawat mamamayan, lalung lalu na ng mga bata. Sapagkat ang basura ang pangunahing pinagmumulan ng sakit, gaya ng typhoid, tuberculosis, diarrhea, at hepatitis; sa basura din namumugad ang rabbis na napupunta sa mga asong kalye (askal) at mga lamok na may dalang dengue.

    Hindi lamang sakit ang naidudulot ng basura sa tao, nagpapabagal din ito ng pag-unlad ng isang bayan. Tulad ng Arayat, mabagal ang pag-asenso ng ekonomiya nito dahil sa kawalan ng malinaw na panuntunan sa pamamahala ng basura nito. Hindi kailanman aasenso ang kalakalan at negosyo sa isang bayan na pinamumuguran ng iba’t-ibang sakit at nababalutan ng basura.

    Kaya layunin ng “Ang Bagong Arayat” ni Punong Bayan Emmanuel “Bon” M. Alejandrino na malinis ang buong Arayat sa lahat ng uri ng basura, sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbangin:

•    Tuwirang pamumunuan ng mga Punong Barangay sa pamamagitan ng BSWMC (Barangay Solid Waste Management Comittee) ang giyera laban sa BASURA sa tulong ng mga Bantay Bayan at Barangay Health Workers (BHWs);

•    Hikayatin ang lahat ng mga residente sa bawat barangay na maglinis ng kanikanilang lugar na naaayon sa probisyon ng R.A. # 9003, tulad ng REDUCTION, REUSE, RECYCLE at SEGREGATION;

•    Himukin ang lahat ng mga organisadong sektor, gaya ng kababaihan, kabataan, estudyante, magsasaka, negosyante, propesyunal at relihiyon na makipagtulungan sa kampanya laban sa BASURA;

•    Lumikha ng “livelihood project” na ginagamitan ng “recycled materials” mula sa basura para sa mga kabataang walang trabaho at kababihan sa bawat barangay;

•    Magpasa ng karagdagan at kinakailangang ordinansa upang mapabilis ang pagtatamo at mapanatili ang pagkakaroon ng ZERO-WASTE ARAYAT;

•    Regular na makipagtulungan ang lahat ng mga kawani ng Munisipalidad ng Arayat sa paglilinis ng mga barangay minsan isang buwan; at

•    Magsagawa ng regular na ugnayan sa pagitan ng MSWMB (Municipal Solid Waste Management Board).
Sa mahusay na pakikipagtulungan ng lahat ng mga Punong Barangay sa layunin ng “Ang Bagong Arayat” na labanan ang BASURA, at pagsasakatuparan ng mga hakbanging nabaggit sa itaas, ang pagtatamo ng ZERO-WASTE ARAYAT ay madali lamang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s