Tagisan ng Talino ng Silangang Sektor ng DepEd Pampanga

Tagisan ng Talino ng Silangang Sektor ng DepEd Pampanga

by: Remilyn C. Matias

Nilahukan ng 8 Distrito mula sa Silangang  Sektor ng DepEd Pampanga ang Sectorial Project Citizen Competition sa Anderson Elementary School noong October 7, 2013, Pinangunahan ni Ginoong Antonio Z. Ramos, Principal 1 ng nasabing paaralan ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambungad na pananalita.

    Layunin ng Project Citizen Competition na makabuo ng malawakang kaalaman ukol sa paggawa ng batas, madagdagan ng impormasyon sa mga pampublikong isyu na nagaganap sa bansa upang maging handa sa paglutas at pagharap sa mga politikal isyu at makabuo ng kasanayang pansibiko. Ang nabanggit na kompetisyon ay nilahukan ng mga batang mag-aaral mula sa ika-apat na baitang hanggang sa ika-anim na baitang. Naglahad ng ibat-ibang suliranin o social current issue ang bawat kalahok na kinakaharap ng kanilang barangay at maging ng kanilang paaralan, dito ang mga mag-aaral ay naki-angkop, nakiisa at nakialam sa kung ano ang maaaring naging implikasyon nito sa mga mamamayan ng barangay lalo na sa mga batang mag-aaral.

Mithiin din nito na makabahagi ang mga mag-aaral sa paghahanap ng sagot mula sa  mga alternatibong solusyon na kanilang nakalap na datos sa barangay at pamilya na kanilang kinapanayaman. Pagbabasihan sa dalawang bahagi ng mga hurado ang pagbibigay ng porsiyento sa mga kalahok, ito ang oral presentation at ang portfolio making.

    Ang tatlong unang puwesto na mananalo ay lalahok sa division project citizen competition na gaganapin sa October 25, 2013.
Image

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s