World Teachers’ Day: My Hero, My Teacher

by: Jas A. Ramos

Minsan kinamumuhian natin sila sa dami ng assignments na binibigay nila, sa mga quiz na napakahirap, sa recitation na daig mo pa ang uminom ng isang galon ng kape sa sobrang nerbyos na baka ikaw na ang matawag o di kaya sila ay sadyang may pagkastrikto lamang. Pero minsan hinahangaan naman natin sila sa dami ng kaalaman na ibinabahagi nila, sa walang sawang pagsasalita at pagtayo sa harap ng klase, sa pagkain na ibinabahagi nila kapag wala kang baon, sa pansin at malasakit kapag nadapa ka at nasugatan o di kaya kapag may sumapak, sumabunot o binato ka ng libro ay nandyan sila para magtanggol at umawat. Hindi lang nila ito ginagawa dahil nakasulat lang ito sa lesson plan datapwat ito ay ginagawa nila dahil responsibilidad na alagaan at mahalin nila ang bawat isa. Marahil ay alam ninyo na kung sino ang tinutukoy ko. Sila ang mga magigiting na guro, teacher,adviser, professor o kung ang tawagin nating pangalawang magulang. Sila ang bayani o hero ng makabagong panahon. At ngayon sa panahon ng pagdiriwang ng kanilang walang kapagurang pagtuturo, ngayong World Teachers’ Day, hali kayo at sa samahin ninyo ako sa pagdiriwang na sabihin na lang natin na “universal birthday” ng mga teacher sa buong mundo.

Ika-04 ng Oktubre 2013, Biyernes, naganap ang isang mumunti ngunit nakakataba naman pusong pagdiriwang ng kaarawan ng mga guro sa Anderson Elementary School. Ito’y sa pangunguna ng kanilang principal na si Mr. Antonio Ramos kasama ang mga guro na hindi nauubos ang pasensya at saya sa pagtuturo. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang panalangin at talumpati para sa mga guro, mag-aaral at magulang. Pagkatapos ay isang nakakaaliw na intermission number naman ng mga mag-aaral. Kahit hindi pa pasko at dahil universal birthday ng mga guro ay nagbigayan sila ng mga regalo.

Simple lamang ang selebrasyon ngunit ito’y tumatak tulad ng mga guro simple lamang ang gusto nila at ito ay ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral hindi lang upang maging handa sila sa susunod hakbang ngunit ito rin ay upang meron silang ipagmalaki at meron kahit konting pagmamahal sa mga guro ang tumatak sa kanilang isip at puso.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s