MS Proudly Pinoy: Megan Young Hinirang na Miss World 2013

by: Lili Pad

Sa loob ng 63 taon nang nagaganap na Miss World Competition at sa ilang beses na paglahok ng ating bansa, sa wakas ay naiuwi na rin ng Pilipinas ang napakailap na titulo. Kahit sinasabi nilang mayroong sumpa na walang pilipinang makakapag-uwi ng korona, ito ay nabali na sa pagkakapanalo ni Megan.

Ang 23 taong gulang na dalaga ay isang Filipino-American na ipinanganak sa Alexandria, Virginia at umuwi dito sa Pilipinas noong 10 taong gulang pa lamang siya. Unang nakilala ang beauty queen-actress sa pagsali niya sa talent search na StarStruck ng GMA. Makalipas ang anim na taon ay lumipat siya sa ABS-CBN. Dito ay mas nakilala siya nang mapabilang sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2. Nagkaroon ng malaking break si Megan sa kaniyang career ng siya ang naging lead actress sa Hiyas na palabas sa network, kasama si Zanjoe Marudo.

Siya ang tinanghal na Miss World Philippines 2013 noong August 18 dito sa Pilipinas at Miss World 2013 naman sa Bali, Indonesia noong nakaraang Sabado, September 28. Si Megan ang kauna-unahang Pilipina na nakapag-uwi ng naturang titulo at nagtala ng kasaysayan dito sa ating bansa.

Tinalo ni Megan ang 126 pang ibang kandidata ng patimpalak. Sa preliminary rounds, siya ang nanalo bilang “Top Model”, 4th place sa “”Multimedia Challenge at 5th sa “Beach Beauty” contest.  Maliban sa titulong Miss World 2013, siya din ang Continental Queen of Beauty for Asia special title.

Sa question and answer portion, kung saan binibigyan ng 30 segundo ang mga kandidata, sinabi ni Megan ang kaniyang paniniwala sa “core value of humanity” na gumagabay sa mga gawain ng tao. Umaasa siya na magamit ito upang ipakita sa mga tao kung paano sila makakatulong sa sarili nilang paraan sa lipunan.

Sa ngayon, inihahanda na ang grand homecoming para kay Miss World 2013 Megan Young. Ayon sa Miss World organization, bibigyan naman ng sapat na oras si Megan upang makasama ang mga kababayan. Ayon kay Cory Quirino (National Director of Miss World Philippines and Mister World Philippines), mayroong sapat na oras upang paghandaan ang engrandeng pagsalubong sa beauty queen.

 Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s