MS Kalusugan: Ang Lumalaganap na MERS-CoV Virus: Mga Sintomas at Kung Paano Ito Maiiwasan

by: Black Swan

ANO NGA BA ANG MERS-COV

             ANG MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME CORONAVIRUS (MERS-COV) o mas kilala sa tawag na MERS ay isang uri virus na nakakamatay. Ito ay nanggaling sa Gitnang Silangan (Middle East) na ngayon ay lumaganap na rin sa mga bansa kagaya ng Italy, France, Gulf, Germany, Tunisia at United Kingdom. Ang MERS ay may pagkakahawig sa SARS ngunit mas nakakamatay ito dahil mabilis lumaganap at kumalat ito sa mga tao. Sa SARS ay 8 percent lamang ang fatality rate habang sa MERS nasa 65 percent. Ito ay nadiskubre noong Abril 2012 na posibleng  kumalat sa buong mundo at maging pandemya.

 

MGA SINTOMAS NG MERS-COV

Karamihan sa mga taong nahahawa sa MERS ay makakaranas ng:

·         malubhang sakit sa paghinga o kinakapos sa paghinga (severe respiratory illness)

·         pagka lagnat

·         ubo

·         diarrhea                               

 

PAANO NAKAKAHAWA AT PAANO ITO MAIIWASAN

            Kalimitan sa mga nahahawa ng MERS ay naganap sa isang ospital o kaya naman ay mismo sa mga healthcare personnel na nahawahan ng mga pasyente at posible rin sa kapamilya o iba pang malapit na tao. Sa ngayon ay wala pang kasiguruhan kung saan talaga nanggaling ang virus na ito.

Subalit maiiwasan ito sa pamamagitan ng:

·         madalas maghugas ng mga kamay gamit ang sabon sa loob ng 20 seconds, pwede ring gumamit ng alcohol-based hand sanitizer.

·         Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig kung hindi malinis ang iyong mga kamay.

·         Iwasan ang malapit na contact, gaya ng halik o pagbabahagi ng mga tasa o eating utensil sa mga maysakit na tao.

·         Palaging linisin ang mga bagay na madalas hawakan tulad ng mga laruan at doorknods.

·         Iwasang pumunta sa ospital kung hindi naman kailangan.

·         Takpan ang ilong at bibig kapag ikaw ay umubo o bumahin.

·         Laging magsuot ng face-mask.

 

PAANO KO MALALAMAN KUNG AKO AY MAY MERS

            May mga sintomas ang Mers para malaman kung ikaw ay may ganito, ngunit kung ikaw ay hindi sigurado malalaman ito kung may sintomas ka na tulad ng pulmonya at trangkaso. May lagnat, sipon, ubo at maaari rin na makaranas ng pananakit ng tiyan, sakit ng ulo, pagkakaroon ng diarrhea. Ito ay sintomas ng pangkaraniwang sakit na dumadapo sa atin, wala pa rin kasiguraduhan kung ikaw ay tinamaan na ng Virus dahil hindi naman agad nalalaman ito. Sa ngayon, napakaliit ng probabilidad dahil hindi pa pumasok sa ating bansa ito, subalit kung ikaw ay nagbyahe sa Middle East o alin man sa mga bansang may kompirmadong kaso, magpatingin kaagad sa doktor upang masuri ang iyong kalagayan.

            Bagaman may naitala ng isang pinay na namatay kamakailan sa Riyadh, Saudi Arabia at sa ngayon ay may 130 na ang may kaso nito kabilang ang 53 patay dito, siniguro pa rin ng Department of Health (DOH) na walang dapat ipangamba sa ngayon dahil ligtas ang bansa sa nasabing virus. Wala pa naman daw naitalang kaso ng MERS sa bansa ngunit kung magkakaroon man ay handa na ang ahensya sa pwedeng mangyari at may nakahanda ng mga ospital sa Pilipinas kung sakaling pumasok na ito sa bansa. Kaya naman alerto na sa kasalukuyan ang ahensiya upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino.

 Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s