Palitan ng Piso Kontra Dolyar

by: Lili Pad

Noong nagdaang mga buwan ay nakita natin ang paglakas ng piso laban sa dolyar. Ayon sa mga ekonomista, ito ay nangangahulugang malaki ang tiwala ng mga negosyante at mga namumuhunan sa ekonomiya ng Pilipinas. Marahil nakabubuti ito para sa ating ekonomiya dahil tumatag ang purchasing power ng piso, ngunit mayroon ding hindi magandang naidudulot ang tuluyang pagtaas ng halaga nito.

    Siguro ay para sa mga nakararaming Pilipino ay maganda ang persepsyon sa pagbagsak ng dolyar, pero did you ever notice na kahit patuloy ang pagbaba ng halaga nito ay pareho pa rin ang economic crisis natin? Ayon sa isang netizen, ‘ang pagtaas raw ng halaga ng piso ay may “cushioning effect” sa atin sa pagtaas ng gasolina. Kung hindi lumakas ang piso, malamang ay nasa mahigit P80 pesos/liter na ang gasolina’. Marahil tama siya na nacushion ang hirap na dala ng pagtaas ng presyo ng langis, pero kung susuriin, mas nauna pa ang pagtaas ng lahat ng prime commodities kaya pareho lang ang epekto ng akala nating malakas na piso.

    Sa paglakas ng piso, ang mga exporters at Overseas Filipino Workers (OFW’s) ang pinakamaaapektuhan. Ang pagtaas ng halaga nito ay nagpapaliit sa kinikita ng mga exporters na dolyar ang tinatanggap na kabayaran sa mga produktong iniluluwas nila sa ibang bansa. Kapag nagtuloy-tuloy pa ito, wala ng mag-iinvest dito sa atin. Halos dayuhan naman kasi ang nag-iinvest at isa din sila sa mga malalaki ang binabayarang tax dito kagaya ng mga OFW’s. Sa ngayon, dependent ang ekonomiya natin sa mga remittance na binabayad ng napakaraming mga kababayan natin. Kawawa naman sila na nagpapakahirap sa ibang bansa at ang kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas kung bababa ang palitan ng dolyar dito kasabay ng lalong pagtaas ng mga bilihin.

    Nag-aabroad sila hindi lang para sa kanilang sariling kapakanan kundi para din sa ating bansang Pilipinas. They were hoping to break the poverty cycle that has been happening in our country for such a long time.
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s