Mayor Bon Patuloy sa Pagpawi ng Ilegal na Droga, Nanguna sa Paghuli sa Mga Pusher sa Cacutud

by: Jas A. Ramos

ARAYAT, PAMPANGA- Ika-18 ng Setyembre 2013, alas-tres-imedya (3:30pm) ng hapon, Purok 3, Barangay Mangga-Cacutud, naganap ang isang *Buy Bust Operation sa pangunguna ni PSUPT Charlie A. Cabradilla, OIC, at ni Mayor Bon Alejandrino laban sa isa sa mga drug pusher na tinutugis,  pangapat (4) sa Illegal Drug Watch list, na si Wilfredo Galang y Salac aka “Willy”, 40 taon gulang, residente ng Barangay, Mangga-Cacutud, Arayat, Pampanga. Siya ay nakumpiskahan ng mga sumusunod na ilegal na kagamitan:

    One (1) small plastic transparent sachet containing suspected shabu
    Five (5) pieces One Hundred peso bills with serial numbers to wit:
    a.    DE597962
    b.    HE983347
    c.    BS319865
    d.    EC187438
    e.    C703066

Isa rin sa mga nahuli sa naganap na buy bust operation ay si Romeo Galang y Inocencio, 40 taon gulang, residente ng Camp Venzon, Barangay Mangga-Cacutud, Arayat, Pampanga. Siya ay nakumpiskahan ng mga ilegal na kagamitan:

    One (1) small plastic transparent sachet containing suspected shabu
    One (1) big plastic transparent sachet containing suspected shabu

Dali-dali pagkatapos naganap ang buy bust operation, nangasiwa sila ng isang Search Warrant No. 54-13 laban kay Wilfredo “Willy” Galang at siya ay nahulihan ng mga sumusunod na ilegal na kagamitan:

    Three (3) plastic transparent sachet containing suspected marijuana
    Three (3) plastic transparent sachet containing white crystalline substance
    Four (4) pieces used plastic sachet containing shabu residue
    Five (5) pieces unused plastic
    Ten (10) pieces of used foil
    One (1) used tooter
    Four (4) lighters

Ang mga nahuling suspek at mga ebidensya na nakumpiska ay isusumite sa Regional Crime Laboratory Office 3 para sa masusing pagsisiyasat. Criminal cases for Violation of Secs. 5,11 and 12 of RA 9165 laban kay Wilfredo “Willy” S. Galang at Sec. 11 of RA 9165 laban kay Romeo I. Galang ay kasalukuyang hinahanda para ipadala sa Office of the Provincial Prosecutor, City of San Fernando, Pampanga.

*Ang buy bust operation ay isang pulis operasyon kung saan ang mga pulis ay bumibili ng mga droga sa pusher at pagkatapos ay huhulihin nila sa akto ang pusher na nagbebenta ng ilegal na droga.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s