Tatak Pinoy Driver : Mga Nakasanayang Driver

by: Black Swan

Sa pang araw-araw na pamumuhay natin bilang isang Pilipino, marahil lahat sa atin ay nakasakay na ng jeep. At dahil dito, kapansinpansin na may iba’t ibang ugali ang mga jeepney driver na talaga namang sadyang kapansin pansin na halos lahat ng nakasulat dito ay marahil inyo ng naranas.

COOL NA DRIVER – yung tipong, pagkakuha ng bayad eh walang emosyon, swabe lang ang patakbo at pag preno, patingin tingin lang sa bintana.  Pero minsan ay nakakatakot dahil hindi mo alam eh bigla nalang tatalon.( na huwag naman sanang mangyari).

DRIVER NA MUSIC LOVER– heto yung chuper na kung magpatugtuog pati ikaw ay kumakabog, parang nasa disco na gumagana ang dating ng kanyang jeep. Hindi kayo magkarinigan o magkaintindihandahil sa lakas ng stereo. Halos lahat ng music siguradong paborito ng driver.

BINGI NA DRIVER – Kung hindi  pasigaw na sasabihin na “Manong para! ” ay hindi hihinto o kaya naman ay kung hindi mo uulitin na may sukli ka ay hindi ka susuklian. Minsan pa nga ay may nagmamagandang loob na uulitin ang sasabihin mo para lang maintindihan. (Kadalasan itong nangyayari sa mga may edad na driver).

PANG RACECAR ANG DATING NI MANONG DRIVER– Yung tipong ang ganda ng hair mo ng sumakay, pagbaba mo ay mukhang garutay na (lalo na sa mga girls). Parang laging may hinahabol na ewan, minsan napapahawak ka nalang sa may bintana dahil konti nalang mahahagis ka na. Heto ang kadalasang kaskasero, ung tipong biglang andar biglang preno, na talaga namang mapapagod ka kahit naka upo ka lang.

USAD PAGONG NA DRIVER – Heto naman ang kabaligtaran ng nasa unahan, hanggang 30 km/h lang ata ang patakbo kahit nasa highway. tipong kung kailan nagmamadali ka na nga saka pa magpapa gas at kung minsan ang daming stop over.

MATIYAGANG DRIVER – aabutin ka ng syam-syam, mamumuti ka na sa sobrang tagal hindi pa rin umaalis kahit marami na ang sakay at may nagrereklamo na hindi parin nagpapaawat. Hinto ng hinto kahit saang eskinita at kanto. (madalas tong mangyari, yung konti nalang sisigawan mo na ang chuper).

MALAKAS MAGPRENO SI MANONG DRIVER – yung talagang pag nagpreno ay talaga namang mahahagis ka papuntang unahan. Kaya naman payong nakaranas na ng ganito, humawak ng mabuti sa may handle bar ng jeep para hindi tumilapon. (nangyari na to sakin minsan kaya alam ko, napasubsob ako sa kandungan ng lalakeng katabi ko. Sobrang hiya ko noon).

PASAWAY NA DRIVER – Kahit saan lumulusot maski bawal, Kapag nahuli eh pakamot kamot ng ulo at yung itsurang nagmamakaawa effect kung minsan.

BARAT NA DRIVER – Yung tipong alam na istudyante ka at sasabihin mo na nga sa kanya, di pa rin ibibigay ang sukli mo. Minsan kapag inulit mo ang sinasabi mo sila pa galit sasabihin “Oo teka lang kulang ang panukle”. (kuripot na nga masungit pa, san ka pa).

FRIENDLY NA DRIVER– naka smile sayo kapag inabot ang sukle, at kung minsan pa nga kukwentuhan ka pa kapag pansing walang masyadong pasahero.

MAGINOONG DRIVER – magsasabing “paki abot nga po ang sukle” sa mga pasahero, magkukusang itatanong kung saan ang bayad mo, at ang huli, kapag nagpausog ng pasahero mag papasalamat.

Mga ilan lang iyan sa mga napupuna natin sa mga huwarang jeepey driver dito sa bansa. Minsan mapa taxi, bus, o kahit saan man sa pampublikong sasakyan may ganyan. Napapa ngiti nalang tayo kapag naaalala ang ganyang eksena na dumaan sa ating pang araw-araw na buhay. Dapat nating  ipagmalaki ito dahil hindi lang sila nakakatulong sa atin, sila rin ang dahilan kung bakit mayroon tayong  trademark sa bansa dahil tayo lang ang may ganito. Kaya naman kung walang jeepney driver walang jeep, kung walang jeep, hindi mo masasabing Pinoy tayo.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s