MS NEGOSYO: Solray Hair & Make-up Studio: Lookin’ Good ang Tagumpay

by: Jas A. Ramos

Sa isang napakainit na hapon hindi maiiwasan na unti-unting mabura ang kagandahan na iyong pinaghirapan . Para sa isang babae alam naman natin na  pinaghahandaan nila ng todo todo ang kanilang look of the day ika nga upang magmukhang presentable at kaaya-aya sa mata mapakolorete man yan o straktura ng buhok.  Pero hindi tulad sa aming mga lalake, kayod-kayod lang sa buhok gamit ang pocket-sulay o ang bulsa-bulsang suklay ay ayos na! ready to go na! Kaya hindi masasabing man’s bestfriend ang salon hindi tulad sa mga babae bestfriend na bestfriend ang salon dahil nga kumikinang sila na parang dyamante, maganda na nga sila lalo pang gumaganda. Pero ang pananaw ko na iyon ay nagbago noong niyaya ako ng aking pinsan sa Solray Hair & Make-up Studio sa tabi ng Arayat Institute.

Ako’y nakipanayam sa owner ng salon na si
Ginoong Solray Trinidad. Naikwento niya ang mga karanasan niya bago maipatayo ang kanyang salon. Bago niya naipatayo ang Solray Hair & Make-up Studio, sila ay naghohome-service lang kasama si Marvin, isa sa mga staff niya sa salon na nagtapos ng unang  karangalan sa Lorraine School of Hairdressing. Isa sa mga naging pagsubok nila dati ay ang kakulangan ng mga kagamitan tulad na lang shampoo bowl, hydraulic chair at ung saksakan malayo sa kagamitan kaya naman nagtayo sila ng salon para narin sa kaginhawahan ng kanilang customer at ayon sa mga customer nila, para narin hindi sila mahirap hanapin. At sa tulong ng mga kaibigan, naipatayo niya ang kanyang sariling salon. Naibahagi niya rin na gusto niya ang lokasyon ng kanyang salon dahil pangsalon nga pagkakakonstrak nito. Sa negosyo kailangan mo ng kaantabay kaya naman nandyan ang kanyang mga staff na sina Marvin, Ruth, Ryan, Rosanna. Ang kanyang mga staff ay hindi basta basta, sila ay nagtrained sa isang high end salon sa Makati. At siya naman ay nagtapos ng hair science sa prestihiyosong Tony Galvez School of Cosmetology noong 2006. Ang kanyang kakayanan sa pagmemake-up ay natutuhan lang niya sa pagmamasid, sa pagbabasa. Siya ay isang self-thought make-up artist. Marami rin siyang napanaluhang patimpalak sa hair and make-up.
Habang hinihintay ko ang aking pinsan na nagpapakeratin, ang keratin ay ang pagbibigay buhay sa nasirang buhok at ito rin ang best-seller ng kanilang salon, niyaya ako ng owner na magpagupit at magpakulay ng buhok. Ang unang proseso na ginawa nila ay ang hair analysis. Tinitingnan muna nila kung ano ang bagay at  naaayon sa buhok. Hindi yung gusto mong magpakulot, kukulotin ka nila. Titingnan muna nila kung ito’y makakabuti o makakasira sa buhok mo. Gumagamit sila ng high quality hair products tulad ng Lorreal at Revlon. Hindi lang ang mga produkto nila ang high quality pati rin ang serbisyo nila, excellent service kung tawagin. Bilang customer, hindi ko masasabi na high quality ang kanilang serbisyo kundi mararamdaman mo rin. Banayad mula sa pagshashampoo, pagboblower, paggugupit at pagkukulay. Mararamdaman mo rin na nasa four-star salon ka kaya naman sa halip na lumayo ka pa bakit hindi ka nalang sa mas malapit kung gusto mong makaavail sa excellent service. Halos lahat sa atin, ang pinakahihintay sa isang “makeover” ay ang resulta o ang reveal time o end product. At noong natapos na ang lahat ng proseso sa pagkekeratin sa buhok ng aking pinsan, as in wow talaga ang naging resulta, nabuhay hindi lang buhok, pati kulay ng buhok nabuhay. Kaya naman hindi ko mapigilan na macurious kung ano ang magiging itsura ko pagkatapos magupit at makulay ang buhok ko. At yun na nga, nang makita kuna ang resulta, “i felt good about how I look” tamang-tama sa kanilang motto na “We Look Good When You Look Good”.
   
At para naman sa may gusto o may planong magtayo ng salon, ayon sa kanya, hindi ka dapat basta basta magput-up ng salon kailangan ikaw mismo ay may kasanayan sa panggugupit, alam mo yung ins and out ng salon, hindi yung namuhunan ka kapitalista ka at dapat mag-ipon ka muna nang kliente. Hardwork at pagiging totoo sa iyong kliente, iyan ang naging susi sa tagumpay  ng Solray Hair & Make-up Studio ni Ginoong Solray Trinidad.

Image

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s