Mga Kaugaliang Pinoy

by: Black Swan

May mga kaugalian tayong mga Pilipino na talaga namang hindi maalis-alis sa atin, kahit na ito’y mali, nakakainis at dapat ng baguhin. Mga kaugaliang hindi natin namamalayan ginagawa natin sa pangaraw-araw na pamumuhay natin bilang isang mamamayang Pilipino.

Tulad ng:

FILIPINO TIME- Pawang mga pinoy nga lang yata ang gumagawa ng ganito. Yung tipong pinag-usapan ninyo ay 6am tapos halos darating mga 8am. halos ganyan tayong mga pinoy, hindi tayo tumutupad sa oras.

MAMAYA NA – mahilig tayong Pilipino diyan, masakit mang isipin na tamad tayo kahit sa simpleng bagay lang ay isinasantabi natin ang mga bagay na dapat ng gawin.

BAHALA NA SI BATMAN – Heto halos lahat tayo ay madalas ginagawa ito, inaasa na lang natin sa kawalan dahil na rin sa kakulangan ng plano.

MAHANGIN – Dito panalo ang Pinoy, kahit walang handa, uutang para lang may ipagmalaki at maihanda sa mga bisita. Mga kagamitan na ginagamit lang kapag may bisita. kapag may nakasakay na kaibigan kahit walang pera pambabayad sa jeep.

LAST MINUTE – Laging heto ang ginagawa natin pagnagpaparehistro. Mahilig tayo sa rush kaya naman marami ang nagkakamali o minsan ay napupunta sa pag-aaway dahil hindi tayo tumutupad sa tamang oras. Kung kailan malapit na eh doon tayo nagmamadali.

PASAWAY SA KALYE AT SA PAMPUBLIKONG LUGAR – Tulad na lang ng tumatawid kahit may karatulang bawal tumawid, yung tipong may overpass na nga eh sa ilalim pa tatawid. Mga kalalakihang nakatambay sa tabi ng kalsada na walang damit (t-shirt). Mga taong ginagawang comfort room ang pader, mga taong kung saan-saan nalang ay dumudura at ang pang huli ay ang paninigarilyo sa pampublikong lugar na marahil ay kinaiinisan ng marami sa atin (at isa na ako doon) tulad na lang sa jeep, kung magsigarilyo eh talaga namang parang sariling sasakyan ang gamit at minsan pa nga pati driver eh ang swabe pa kung humuthit ng sigarilyo kahit na may nakalagay na karatulang “NO SMOKING”.

NAGTATAPON NG BASURA KAHIT SAAN – Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas ay sa kadahilanang tayo mismo ay walang respeto sa ating inang kalikasan. Mapadaan ka lang sa daan ay makikita mo nakakalat ang ibat-ibang klase ng basura. Kahit lagyan nang karatulang “BAWAL MAGTAPON DITO” ay sige pa rin tayo.

KAPAG NANGUTANG, MAHIRAP MAGBAYAD – Heto pa ang isa sa maling mali na kaugalian nating mga pinoy, ang daming sinasabi para lang mapagbigyan na sa susunod na lang sisingilin. Minsan pa nga kapag hindi mo napagbigyan o natulungan sila pa galit.

TALIWAS ANG SINASAGOT KAPAG MAY TINATANONG – Heto talagang sikat sa atin yung tipong nagtatanong ka tapos patanong din ang sasagot sayo.

LAHAT NA LANG SA GOBYERNO SINISISI – mahilig tayo sa sisihan mapa maliit na bagay man yan lahat ay gustong maging inosente, ultimo pagkain ng mga anak sa gobyerno sinisisi, bakit hindi ang sarili nila ang sisihin sa kawalan ng pagkain ng kanilang mga anak. Magbanat ng buto para may makain sabi nga ng iba.

PAGIGING INGGITERO (crab mentality) – imbes na hangaan ang kapwa Pilipino at gawing inspirasyon, ginagawan ito ng masama upang ito’y mahila pababa.

NINGAS KUGON – sa umpisa lang masipag kapag nagtagal ay tinatamad na.

TINATANGKILIK ANG BANYAGANG PRODUKTO – mahilig tayo sa imported mapa pagkain man yan,  gamit o pelikula talagang tinatangkilik at pinipilahan natin. Ngunit kapag tatak pinoy binabale wala, walang tiwala sa quality at hindi pinapansin. Ika nga “mahalin ang sariling atin” madalas natin yang marinig ngunit hindi naman nadidinig.

Ilan lang yan sa mga ugaling Pinoy na hindi na mabubura sa atin. Ngunit may pagkakataon pa para maituwid ang mga nakaugaliang asal na minsan hindi natin alam na mali na pala ito at meron na palang naabalang iba o hindi kaya nagbubulag-bulagan lang. Pero hindi natin masisisi ang bawat isa dahil minsan may mga bagay na hindi talaga maiiwasan dahil nga naging parte na ito ng ating kultura. Ano ba ang kultura? Ayon sa Wikifilipino, ang kultura o kalinangán sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Ito’y nangangahulugan lang na tayo ang gumagawa ng kultura. Nasa sa atin kung anong klase ng kultura ang maihuhulma natin. Sa madaling salita, ito’y nagsisimula sa bawat isa sa atin na kung walang disiplina at pagkakataon upang isaalang-alang ang mga asal, galaw na nagagawa natin hindi natin malalaman ang mga pagkakamali ng bawat isa. Lahat ng ito ay masosulusyunan kung meron lang tayong pagkakaisa, disiplina at may importansiya at pagmamahal sa bayan, matagal ng umunlad ang Pilipinas dati pa.
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s