Barangay Visits and Monitoring

by: Lili Pad

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-04 ng Setyembre 2013, Miyerkules, pumunta ang grupo ni Mrs. Madeth Alejandrino sa Barangay Mapalad at San Mateo upang isagawa ang barangay visit and monitoring na naglalayong malaman ang kalagayan ng bawat lugar sa Arayat at kung anu-ano ang pangangailangan ng mga ito.

Nagkaroon ng libreng pagkuha ng prisyon at pagpapa-check ng sugar level sa tulong ng mga opisyales ng Municipal Health Office na pinangunahan nina Dra. Pinky Albano (RHUI) at Dr. Crispin Eustaquio (RHUIII) kasama sina Angeline Magbag, Sherly Puma, Haggai Mutuc, Maria Karina Buan at Rachele Gueverra na mga nurses n gating MHO. Kasama din si Christela Betana (Physical Therapist) at sina Franceska Roque at Leonila Lacanilao (Assigned Midwives). Nakipag-ugnayan ang grupo sa mga kapitan at BHW’s ng bawat barangay.

Isang feeding program din ang inilunsad para sa mga kabataang nakitang malnourish kasabay ng pagtuturo sa kanila kung paano ang tamang paghuhugas ng kanilang kamay.
Ang programang ito ay nagsimula lamang ngayong buwan ng Setyembre at magpapatuloy ito bawat buwan. Sa ngayon, anim (6) na barangay na ang kanilang nabibisita kabilang na ang La Paz Turu, Buensuceso, San Nicolas, Cacutud, Mapalad at San Mateo.

Layunin ng grupo na mamigay ng libreng gamot para sa mga may karamdaman tulad ng sipon, ubo at lagnat, bata man o matanda pati rin ng libreng pagpapakonsulta.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s