Adolescence Immunization Orientation

by: Lili Pad

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-4 ng Setyembre 2013, isang orientation para sa mga magulang at mga mag-aaral ng Candating High School ang naganap. Ito ay pinangunahan nina Dr. Paulino Austria (MHO) at Dr. Eulogio Tayag Jr. (RHUII) kasama sina nurses Cielo Oronce, Madel Pineda at Joseph Gonzales ng Municipal Health Office.
    Habang hinihintay ang mga bakuna na galing sa Provincial Health Office, idinaos muna ang orientation na magbibigay ng sapat na kaalaman sa mga magulang at mga bata, kung gaano ka-importante ang pagkakaroon ng bakuna.
    Pang-lima na ang Candating High School sa mga eskwelahan na kanila ng napuntahan. Ang una nilang ginagawa bago bigyan ng bakuna ang mga bata ay tanungin o interbiyuhin muna ang mga ito upang ma-screen ang mga ito. Ang mga kabataang mula Grade 7 ang kabilang sa mga mabibigyan ng bakuna mula sa programang ito. Layunin nila na sa taong 2015 ay wala ng batang magkakasakit.
    Napuntahan na nila ang Gatiawin, Arenas, Cacutud at Camba High School, at patuloy pa rin sila sa pagbibigay ng sapat na impormasyon, libreng gamot at tulong sa iba pang mga paaralan ng mga barangay ng Arayat.
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s