“PORK BARREL”

by: Black Swan

Ayon kay Tony La Viña (Political analyst) ang Pork Barrel ay nanggaling sa salitang amerikano na nangangahulugang insulto. Noong unang panahon ginagamit ng amerikano ang karne upang ilagay sa bariles at itatapon sa mga alipin at ang mga ito naman ay kanilang pag-aagawan, ayon kay Viña.

    Sa Pilipinas ang Pork Barrel ay ang tawag sa malaking pondo o budget ng gobyerno na nilalaan taon-taon para sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan. May mga nakatalagang budget ang gobyerno sa mga senador at congresista upang mabigyan ng allocated amount ang bawat isa na siyang bahala kung anong proyekto ang kanilang gagawin sa kanya-kanyang distrito ang tawag naman dito ay Priority Development Assistance Fund.

    Ito ay nanggagaling sa kaban ng bayan, na nangangahulugang pera ng bawat isa sa atin ang ginagamit dito. Lahat ng mamamayang Pilipino ay nagbabayad ng buwis, bumili kaman sa grocery store o kumain sa fast food, lahat ay may buwis. Kaya naman lahat tayo ay may karapatang malaman kung saan napupunta ang pondo ng gobyerno.

    Ipinapakita lamang dito na dapat ay pangalagaan ang perang para talaga sa mga mamamayang Pilipino. Lingapan ito na parang sa iyo na kung baga parang ituring mo ito na sa iyo, upang sa ganoon ay pangalagaan mo. Kahit sa ordinaryong tao kapag pinagpaguran ang pera ay alam kung saan dadalhin ito. Ito pa kaya na ipinagkatiwala sa taong alam ay sisikaping madala sa mabuting paraan ito.
Bawat mamamayang Pilipino ay bumoboto hindi upang makaboto lamang, kundi upang ipaglaban ang sa tingin niya ay tama at tunay na mamamalakad ng maayos sa bayan. Bilang isang tapat na mamumuno, kailangan maging malawak ang pananaw upang hindi masilaw sa karangyaang dulot ng pera.

     Responsibilidad ng bawat namumuno ng bayan ang panatilihang maayos at mapayapa ang nasasakupan upang mapaganda ang kalagayan ng bawat isa. May mga resolusyon na ipinapanukala, mga adhikain na dapat tugunan. Ngunit simple lang ang gustong malaman at makita ng mamamayan sa bawat taong namumuno, ito ay kung saan napupunta ang pera at ano ang nabago sa pamamalakad nito.

    Masakit mang isipin na may mga taong talagang kahit alam ng mali ay pilit paring ginagawa. May mga patakarang tayong sinusunod ngunit taliwas ang ating ginagawa, mga problemang kinakaharap na dinadaan sa demandahan. Hindi Pork Barrel ang tunay na problema na kinakaharap natin ngayon, kundi ang mga taong ganid sa salapi at walang malasakit sa kapwa ang tunay problema.
    Kung aalisin ang Pork Barrel at natupad ang gusto ng mga tao. Ililipat lang ang pondo at iyon na naman, mag-uumpisa na naman ang anumalya. Paulit ulit lang ang proseso. Kung magiging responsable lamang tayong lahat, kahit ano pa kasimple ang ginawa mo kung alam mong ito ay tama wala kang dapat na ipangamba dahil ang tunay na tapat sa kanyang trabaho ay tapat sa kanyang sarili.
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s