MS ISTORYA: NOKI BOY AT KITO BOY (Ang Pagdating sa Maynila)

by: Black Swan

Muntik ng mahimatay sa sobrang galak itong si Kitoboy dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatungtong na rin siya sa Lungsod ng Maynila. Sa buong buhay niya, pangarap na talaga niyang makapunta dito at heto siya ngayon, walang kapantay ang kasiyahan.

“Sa wakas!.. nasa Maynila na rin ako!…” pasigaw nitong sabi at nakatayong parang si superman. Hindi alintana na maraming taong nakatingin sa kanya.

“Oo alam namin, hindi mo na kailangang isigaw” sabi naman nitong si Nokiboy,na halatang nahihiya sa ginagawa ng kapatid. “Alam mo bang kaya iniiwan tayo ng kasamahan natin ay dahil sa ikinikilos mo.. para kang nakawala sa hawla.” tugtong pa nito sa kanya.
“Sige nga kuya.. kapag ikaw sinagot ka ni Valerie ng buhay mo.. hindi ka ba magtatatalon sa tuwa??? Hahh???”. Ang tinutukoy nito ay ang sinta ng kanyang kuya.
 “malamang,, kahit magpasagasa pa ako sa truck.. teka, bakit naman nasali sa usapan si Valerie ko hah.?” balik tanong naman nito sa kanya.
“Parang ako lang ikaw Kuya” sabay lapit dito at inakbayan pa… “dahil masaya ako kaya ako nagkakaganito.. alam mo kapag masaya ang isang tao ipinapakita niya ito sa pamamagitan ng tawa o galak.. ikaw kasi kahit nakatawa ka na hindi halata sayo kasi maasim talaga ang itsura mo.” Mahabang litanya pa niya..

Dahil sa pagbabangayan, hindi nila namalayang iniwan na pala sila ng kasamahan nila. Nagsimula ng mangamba si Nokiboy dahil hindi na niya maaninag ang mga ito sapagkat may kasikipan ang terminal dahil sa dami ng tao.

Naglibotlibot sila sa terminal hanggang sa mapagod na sila, ni anino ng isa sa mga kasamahan nila wala silang nakita.

 “Wala na sila iniwan na nila tayo, paano na tayo ngayon kuya.” Malungkot na sabi ni Kitoboy. Na konti nalang ay iiyak na.
“Ang mabuti pa maghiwalay tayo, magtingin-tingin uli tayo baka sakaling makita na natin sila” Sabi naman nitong si Nokiboy na pinapalakas ang loob ng kapatid.

“Oh sige dito uli tayo magkita.” Pagkuwan ay sabi ng kapatid.
“Ok sige” Sang-ayon naman niya.
Naghanap ulit ang dalawa, ngunit gaya ng nauna bigo pa  rin silang makita ang mga kasama.

“Oh ano wala?” tanong ni Nokiboy kay Kitoboy ng makita na sila.
“wala talaga kuya” sagot naman nito. “Kuya gutom na ko, kain muna tayo.” Tugtong pa nito.
“mabuti pa nga, gutom na rin ako”. Sang-ayon naman niya.
Ng naghahanap na sila ng makakainan may nakita silang karatula sa isang stall, ang nakalagay INTERNET CAFÈ. Pumasok silang magkapatid, isang oras ang lumipas wala paring dumadating na kape na kanilang sinabi sa babae pagpasok nila kanina. Pinuntahan nila ulit ito at tinawanan lang sila ng babae.
“Aba kuya, maypagka kulang ata itong babae tara alis na tayo.” Sabi ni Kitoboy
“Mabuti pa nga nasayang lang ang oras natin dito.” Pagalit namang sagot ng kuya.
Nang sa ikalawang pagkakataon, may nabasa ulit silang karatula sa isa pang stall, ang nakasulat HARDROCK CAFÈ, papasok na sana si Nokiboy ng biglang hinila siya ng kapatid.
“Ano ka ba kuya, basahin mo nga yang nakasulat, mas matagal diyan, ipapakulo pa ang bato.   kamamatay natin yan..biruin mo pati kape ngayon…nilalagyan na ng bato.. di tayo pwede diyan..” mahabang paliwanag ng magaling na kapatid.
Napaisip naman itong kuya at habang nag-uusap ang dalawa may biglang humawak sa balikat ni Kitoboy, isang may edad na lalake. Nabigla ang dalawa, at sa di nila mawari mukhang hindi maganda ang kalagayan ng matanda.
“kuya mukhang nahihirapang huminga si lolo” agad na sabi ni Kitoboy habang inalalayan itong makaupo sa upuan di kalayuan sa kinaroroonan nila.
“ahhh.. lolo ano pong masakit sa inyo?” hindi makapag salita ang matanda at may itinuturo ito.
“ahhh, ano pong gusto niyong gawin namin?” tanong naman ni Nokiboy habang iniintindi ang ginagawa ng matanda.

“kuya baka hindi nagsasalita si lolo” sabi naman ni Kitoboy.
Pilit na may itinuturo ito na hindi nila maintindihan. Ng mapagod ang matanda sa kakaturo nagsalita nalang ito kahit nahihirapan.
“may gamot ako sa aking gamit at nan doon. ” sabang turo sa maletang dala nito.
“eh bakit hindi niyo agad tinuro lolo..!” nagpipigil na pasensiyang sabi ni kitoboy.
“eh kanina ko pa nga tinuturo sa inyo di niyo maintindihan” pasigaw na sabi ng kawawang matanda.

Abangan ang susunod na kabanata………………

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s