Ang Pagbubukas ng Home for the Children

by: Lili Pad

ARAYAT, PAMPANGA – Ika- Agosto 10, 2013, Sabado, dumalo si Mayor Bon sa imbitasyon para sa unang araw ng pagbubukas ng Ima’s Home for Children kung saan inaaruga ang mga batang walang mga magulang sa barangay Buensuceso, Arayat, Pampanga.

    Pagdating pa lamang ng alkalde, kasama ang kanyang may bahay, ay sinalubong na sila ng  malugod na pagbati ng mga bata. Karamihan sa mga batang naroon ay iniwan ng kanilang mga magulang, ang ilan naman ay na-rescue mula sa pagmamaltrato na galing sa DSWD at ang ilan ay ulila na.

    Likas na kay Mayor Bon ang pagiging malapit sa mga bata kaya hindi siya nahirapan na makihalubilo at makipaglaro sa mga ito. Ang simpleng pagbisita sa mga ito, ay malaking bagay na para sa kanila dahil nararamdaman nila ang pagkalinga na hindi nila naranasan sa piling ng kanilang mga magulang.

    Ang pamilya ng mga may-ari ng naturang lugar ay halos 30 taon ng tumutulong sa iba’t-ibang ampunan at foundations dito sa Pilipinas. Ipinagpatuloy ito ng mag-asawang Jim at Nancy Kilgore na sa unang pagkakataon ay nagpatayo ng home for the children dito sa Pampanga. Ayon sa kanila, napili nila ang Arayat bilang lugar na pagtatayuan ng kanilang pangarap na bahay para sa mga tutulungan nilang kabataan dahil sa napakagandang tanawin nito.
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s