MS Proudly Arayateño: General Jose Magdangal Alejandrino

General Jose Magdangal Alejandrino

DECEMBER 1, 1870 –JUNE 1, 1951

Interpreted by: Jas A. Ramos

Si Senador Jose Alejandrino ay ipinanganak noong Ika-01 ng Disyembre 1870 sa Binondo, Manila. Ang kanyang magulang ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Sila ay sina Mariano Alejandrino at Rosa Magdangal. Siya ay mayroong apat na (04) lalakeng kapatid at isang (01) babaeng kapatid. Sila ay sina Manuel, Joaquin, Anselmo, Pastor and Ana.

    Siya ay unang nag-aral sa Ateneo Municipal at sa kalaunan siya’y nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan siya’y nagtamo ng titulo na “Bachelor of Arts”. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa bansang Espanya sa University of Ghent sa Belgium. At doon, siya ay nakilala at nagbigay ng karangalan sa kanyang sariling  bansa sa pamamagitan ng kanyang  katalinuan at kahusayan sa  kanyang napiling kurso. Siya ay nagtapos at nagtamo ng titulo sa kursong chemical engineering.

    Habang nasa Espanya, siya ay naging aktibong miyembro ng Kilusang Propaganda. Siya ay sumali sa editoryal na pamatnugutan ng La Solidaridad. Siya ay naging isang malapit na kaibigan ni Jose Rizal. Siya rin ang nakaisip na ipalimbag at ilathala ang orihinal na kasulatan ng El Filibusterismo.

    Noong Ika-21 ng Nobyembre 1896, ilang buwan pagkatapos magsimula ang Rebolusyon sa Pilipinas, kasama si Feliciano Jocson, naglakbay siya patungo sa Kawit, Cavite para sa isang pulong kay Heneral Aguinaldo. Edilberto Evangelista, ang kanyang dating kamag-aral sa University of Ghent, ay nagmungkahi na nasa kanya na ang lahat ng kinakailangan na armas para sa paghihimagsik laban sa Tsina o Japan. Siya ay nag-alok na isagawa ang napakamapanganib na misyon. Noong tinanggap ni Aguinaldo ang kanyang alok, siya ay agad na tumuloy sa Hong Kong, kung saan tumulong siya sa pagbuo ng Revolutionary Council kasama si Felipe Agoncillo, Jose Basa at Mariano Ponce. Pagkatapos, siya ay naging bahagi ng grupo sa Hong Kong Committee, kung saan kasama sina Agoncillo at Galicano Apacible na nagtaguyod ng kasarinlan, na kontra naman sa pangkat na pinamunuhan nina Jose Basa at Doroteo Cortes, kung saan sila ay may hangarin na isanib ang bansang Pilipinas sa Estados Unidos.

Image

Mula Hong Kong, siya ay nakapaghatid sa rebolusyonaryo sa Pilipinas ng mga dinamita at rifle pistons. Sa gayon, noong February 1897, umalis siya ng Hong Kong para sa Japan, para sumubok na makakuha ng mas madaming armas at gamit.

    Noong 1898, siya ay naglingkod sa Malolos Congress na unang tinawag noong Septyembre 15 ng pamahalaang rebolusyonaryo. Siya ay naging bahagi ng dalawang napakaimportanteng lipon para sa pagbanghay o pagbuo ng Konstitusyon. Noong Septyembre 26, binigay sa kanya ang posisyon na Director of Agriculture and Industry ng rebolusyonaryong administrasyon. Noong nakalaunan, siya ay itinalaga bilang Chief of the Engineers of the Army ni Presidente Aguinaldo.
Noong natapos na ang digmaang Pilipinas laban sa Estados Unidos, siya ay sumanib kay Heneral Antonio Luna pati rin sa kanyang mga hukbo. Pagkatapos, bilang chief engineer, pinangasiwaan niya ang pagpapatayo ng mga kanal sa mararaming lugar, kabilang na dito ang Bulacan at Caloocan.

    Umangat siya ng posisyon at naging Brigadier-General, nagsilbi rin siyang pansamantalang kalihim ng digmaan. Siya rin ay hinirang na Commanding General of the Military Operations sa Central Luzon (sa halip na si Hen. Pantaleon Garcia), at Military Governor ng Pampanga, bilang panghalili kay Hen. Maximo Hizon, na nahuli ng mas maaga ng mga kalaban. Pagkatapos, ang kumubkob na gobyerno ni Aguinaldo ay patuloy na tinugis ng mga American forces at tinulak papuntang Tarlac.

Noong Septyembre 1899, pinamunuhan niya ang tatluhang-taong komisyong pagsakdal kasama ang pagpapalaya ng mga Amerikanong bilanggo at ang pakiki-usap kay Heneral Otis, ang Commanding General of the American Army sa Pilipinas, tungkol sa suspensyon ng labanan. Siya ay tinulungan nina Lt. Col. Ramon Soriano at Maj. Evaristo Ortiz. Pagkatapos, siya ay sumangguni kay Hen.Arthur MacArthur, siya ang pumalit kay Otis bilang Chief of the American Forces. Silang dalawa ay nag-usap tungkol sa makahayop at malupit na pagmamalabis sa mga Filipino ng mga Amerikanong sundalo. Samantala, ang pagkakasakit ng mga rebolusyonaryo ay pinahina ng mga duwag na Filipino sa napakatinding pintas ni  Alejandrino para sa kataksilang pagtulong sa mga Amerikano.

Image

 (A SPECIAL AWARD AND CERTIFICATION OF GENERAL JOSE ALEJANDRINO AS AN OUTSTANDING ARAYATENO AND AS THE ARAYAT TOWN HERO WHICH WAS GIVEN ON THE 18TH DAY OF NOVEMBER 2007)

Noong Mayo 1901, pagkatapos ng labis na paghihirap at trahedya sa pagkawala ng mga hindi mabilang na kasamaang kawal sa digmaan, siya ay sumuko, sa Arayat, kay Heneral Funston. Sa huli, tinanggian niya ang kautusan ng pagsuko ni Alejandrino at sa halip ay pinaaresto niya ito. Hiningi niya ang pagharap ng isang Amerikanong Negro na nangangalang Fagan, na hinahanap dahil sa pagtakas sa hukbo. Bagama’t nilabanan niya ang hinihingi ni Funston. At sa sumunod na araw, siya ay pinalaya.

Noong Agosto 1901, tinanggap niya mula kay Gov. William H. Taft ang posisyon para sa pangalawang city engineer ng Manila, ngunit kumawala siya sa kanyang tungkulin ng walang isang taon. Siya ay nagretiro para sa buhay magsasaka hanggang 1925, noon siya ay tinalagang senador, 7th Philippine Legislature (1925 -1928) of the Twelfth Senatorial District of Mt. Province, Baguio, Nueva Vizcaya, Agusan, Bukidnon, Cotobato, Lanao, Sulu at Zamboanga ni Gov. Gen. Leonard Wood. Isang miyembro ng Partido Democrata Nacional, siya ay naihalal bilang Representative of Pampanga’s Second District to the Constitutional Convention noong 1934. Ang kasaysayan ni Senador Alejandrino sa Rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya at Estados Unidos, La Senda del Sacrificio, ay isinasalaysay ang buhay ng mga mararangal na rebolusyonaryo at ang mga malulungkot na digmaan na kailangan nilang pagdaanan at ipaglaban para lang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s