MS ISTORYA: Noki Boy at Kito Boy

NOKI BOY AT KITO BOY

(Ang Pagpunta sa Maynila)

by: Black Swan

Ang Pagpapatuloy…

“Ano ba yan… bakit kung kailan aalis na, saka pa umulan ng malakas” Busangot na sabi ni kitoboy habang nakatanaw sa may bintana. Ngayon ang araw ng kanilang pag-alis papuntang Maynila upang magtrabaho at sa kamalasan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan ng umagang iyon. “Oo nga, sabi sa balita kanina may buntot daw ang bagyo kaya umulan ngayon.. baka sa susunod na linggo na tayo aalis nito.” mahabang litanya ng kanyang kuya na si Kitoboy habang ito naman ay inaayos ang gamit nito sa tokador.

“Akala ko pa naman makakapag almusal tayo sa terminal. Ang sarap pa naman ng aruskaldo doon… hayyyy…” dismayadong sabi ni Kitoboy..
Pagkaraan ng ilang segundo nagsalita uli ito..”bakit kuya..may buntot ba ang bagyo?” tanong niya kay Nokiboy na taking-taka talaga. Hindi pa man nakakasagot ang kuya nito dinugtungan na agad niya ang pagsasalita “pambihira.. kasinungalingan ang sinasabi ng balita, alakain mong lagyan ng buntot ang bagyo…hahaha. sa naaalala ko mga bubong,kahoy,kawaling inanod at salawal mo ang nakita ko sa labas dati, wala akong nakitang buntot ng bagyo…hahaha..kalokohan..” sinabayan pa nito ng pagtawa.

Sinabayan din ni Nokiboy ang bunsong kapatid sa pagtawa nito, yung tawang nakakaloko saka siya nagsalita “hahahhaa.. at alam mo..mahal kong kapatid, may mata at bibig din ang bagyo..oo totoo yun. kapag napaharap siya dito.. papalamon kita. Diba ang galing noon.” Na talagang sa pagsasalita niya pinapakita niyang totoo ang sinasabi.. saka lang tumigil sa pagtawa ang hinayupak na kapatid.
“Ano ba naman yan kuya, ang sama mo..” pagkaraan ay sabi nito sa kanya.
 “ano! ako pa ang masama,… sino ang mas masama sa ating dalawa. Ikaw nga diyan, sinira mo ang kinabukasan naming ni Valerie ko…” histerikal na sagot naman niya dito.
     Hindi pa rin niya makalimutan ang ginawang kapalpakan ng kapatid…ng nakaraang linggo imbis na natuwa ang kanyang mahal na si Valerie, sa liham na kanyang pinadala, lalo pa itong nagalit sa kanya dahil ang ibinigay na sulat ng kapatid para dito ay naging isang malaking kamalian. Napaaway kasi ito habang papunta sa bahay nina Valerie at ang sulat ay nagkapunitpunit at idinikit-dikit naman nito iyon at sa inaasahan, mali ang nabuong salita sa liham. Ng ibigay ng magaling na kapatid ang liham sa kanya, pagkatapos mabasa ang sulat, gusto na niyang mamatay. Ang saklap ng sulat na ginawa ng kapatid

Dear mahal ko … silanganan

Wala kang kasing panget, mukha ay ubod ng peras, ng walang makikitang ganda.  Ng ang iyong maipagmamalaki wala kundi ikaw lang mahal.
Paalam na sa aking buhay… Valerie

Kwento pa ng kapatid, buti na lang daw at hindi nito naabutan si Valerie sa bahay ng mga ito hindi si Valerie ang nakabasa sa sulat kundi ang tatay nito. Sa idinagdag na salitang iyon ay talaga namang gusto na niyang patayin ang kapatid noong oras na iyon.
“Pasensiya kana talaga kuya Nokiboy, ehh hindi ko alam na ganoon pala ang kinalabasan ng sulat”. Hinging paumanhin nito habang papalapit sa kanya. Umupo ito malapit sa kanya habang siya naman ay nakatingin sa hawak na sulat.

“Eh ano pa nga ba, nangyari na ang nangyari.. kalimutan na natin iyon..” sabi nalang niya.
“Tara magkape nalang nga tayo.. ang drama nating dalawa,, pang MMK na.” biglang sabi nito at tumayo na..
“Mabuti pa nga” sabi naman niya.
“Pagtitimpla na kita kuya” sabi nito. tumango naman siya.

Nang pumunta na sa lamesa si Nokiboy agad ng naka timpla ang kanyang kape. “oh, bakit walang gatas ang kape ko?” tanong niya kay Kitoboy habang papaupo paharap sa lamesa.

“Kasi kuya kapag nilagyan ko pa ng gatas yang kape mo, baka lumakas ang pagka nerbiyoso mo..” sagot naman ng kapatid.
“Hah?.. oh eh ano naman ngayon ang kinalaman ng gatas? ” naguguluhang tanong naman niya dito.

“Diba ang gatas pampalakas at ang kape ay pampa nerbiyos.. kapag pinagsama lalong lalakas ang nerbiyos mo.. kaya huwag kana mag gatas. Ako nga kapag napasobra inom ko ng kape hindi ako makatulog..” sabi nito sa kanya.. pagkaraan noon ay sumagot siya “ahhh,,.. baligtad naman ang akin, hindi ako makapag kape kapag natutulog.” Pilosopong sagot naman niya.
 Nang payapa na silang nagkakape, bigla namang may kumatok sa kanilang pintuan.
Abangan kung sino ang taong kumakatok…….
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s