Tanging I.D. Mula sa OSCA Lamang Ang May Bisa sa 20% Discount

Tanging I.D. Mula sa OSCA Lamang Ang May Bisa sa 20% Discount
by: Lili Pad

Marami na ngayon ang mga grupo o asosasyon na nabubuo para sa mga Senior Citizens. Kasabay nito ang pagdami na rin ng mga membership cards na naibibigay para sa kanila. Dahil dito, marami sa mga Senior Citizens ang nalilito na kung ano talaga sa mga cards na ito ang may bisa sa pag-aavail ng 20% diskuwento sa mga kalakal, serbisyo at mga benepisyong medikal para sa kanila.

    Dahil sa pagkakaroon ng mga ulat na may mga Senior Citizens na gumagamit ng mga ID’s na ibinigay ng mga senior citizens associations o groups upang mapakinabangan ang mga diskuwento mula sa iba’t ibang serbisyo, nagbigay ng paglilinaw ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

    Sa isang panayam kay Jaybee Binghay (Social Welfare Information Officer), tanging ang mga identification cards na ibinigay ng Office of Senior Citizens (OSCA) lamang ang tinatanggap sa mga establisyimento, may negosyo, serbisyo, produkto at benepisyo para ma-avail ang 20% diskuwento.

    Iba’t ibang mga Senior Citizen Associations tulad ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) at ang kanilang rehiyonal na counterpart sa bansa na RSCAP’s, Veteran’s Federation of the Philippines (VFP), Coalition of Associations of Senior Citizens at ang Association of Retired Postal Employees and Senior Citizens (ARPES) ay maaaring magpatuloy na magbigay at panatilihinn ang kanilang sariling mga ID, gayunpaman, ang mga ID na ito ay katibayan lamang na nabibilang sila sa mga samahan na iyon at hindi maaaring magamit upang mapakinabangan ang 20% diskuwento.

    Ayon naman kay Corazon Soliman (Social Welfare Secretary), ang mga senior citizens ay hindi maaaring pilitin na maging miyembro ng isang kapisanan kung hindi niya nais at hindi rin dapat siya pagbantaan na hindi niya mapakikinabangan ang kaniyang 20% discount kung wala ang nasabing membership.

    Nilinaw din ni Soliman na ang DSWD ay hindi pa nagbigay ng pambansa o pinag-isang ID para sa mga Senior Citizens, na gagamitin sa pagbibigay ng buwanang social pension na P500 para sa mga maralitang senior citizens.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s